NABIGO ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na makuha ang hosting ng boxing Olympic qualifying.

Sa pormal na pahayag ng International Olympic Committee (IOC) Boxing Task Force, ipinagkaloob ang jkarapatan sa Amman, Jordan.

“After a careful review of all alternatives, the BTF (Boxing Task Force) approved the proposal of the Jor¬dan Olympic Committee today, in order to confirm the competition dates and lo¬cation as soon as possi¬ble, in the best interest of the athletes preparing for the qualifier,” pahayag ng IOC Boxing Task Force.

Ang IOC ang nangangasiwa ngayon ng international boxing matapos patawan ng parusa ang AIBA (International Boxing Federation) bunsod ng korapsyon at kontrobersya ng dayaan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magugunitang kinanse¬la ng IOC Boxing Task Force ang event sa Wuhan, China matapos kuma¬lat ang coronavirus kung sa¬an ilan sa mga tinamaan nito ang namatay.

Kaya naman masusing pinag-aralan ng IOC ang su¬nod na mga hakbang at nagdesisyong sa Jordan ganapin ang Olympic qualifying base sa inilatag na proposal ng Jordan Olympic Committee.

Subalit bigo ang Asso¬cia¬tion of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na makuha ang boto ng Olympic body. Pakay ng ABAP na ma¬¬lampasan ang bilang ng mga qualifiers noong 2016 Rio Olympics.

Nakahirit sina Southeast Asian Games gold me¬dalists Ro¬gen Ladon at Charly Sua¬rez ng ti¬ket sa Rio Games. Ngunit parehong nabigo sina Ladon at Suarez na umabante sa medal round