CAMP BANCASI, Butuan City – Bilang bahagi ng reintegration program ng pamahalaan para sa mga dating miyembro ng communist-New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan, patuloy ang pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Agusan del Sur ng pinansyal na ayuda sa mga dating rebelde, pagbabahagi ni 1st Lt. Percival J. Carido, Civil Military Operations (CMO) officer ng Army’s 26th Infantry (Ever Onward) Battalion (26th IB), nitong Biyernes.

Aniya, dalawang dating rebelde ang nakatanggap ng tig-P5,000 cash assistance kahapon, bukod sa P25,000 immediate cash assistance na kanilang natanggap mula sa local government ng San Luis noong Oct. 25, 2019, pagbabahagi pa ni 26th CMO officer.

“The two were just few among the enlightened individuals who finally went back to the mainstream of society after being deceived from the terrorist CPP-NPA propaganda,”aniya.

“They were happy and overjoyed upon receiving the cash benefit,” ani 1st Lt. Carido.

Tuloy rin, aniya, ang pagtulong ng field units 26th Infantry Battalion sa mga dating rebelde at kasalukuyang sumasailalim ang mga ito sa reintegration program bilang bahagi ng Enhanced- Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa gobyerno.

Tumulong ang 26th IB na pinamumunuan ni commanding officer Lt. Col. Romeo C. Jimenea, katuwang ang mga opisyal ng PSWDO, sa enrollment ng mga dating rebelde sa E-CLIP na sasakop sa kanilang reintegration, livelihood, educational at housing benefits.

Ayon sa 26th IB commander, tuon pa rin ng pamahalaan ang pagtulong at pag-agapay sa pangangailangan ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan at piniling mamuhay ng mapayapa kasama ng kanilang mga pamilya.

Nanawagan naman si Lt. Col. Jimenea sa iba pang natitirang miyembro ng NPA na bumaba na at piliing tumanggap ng peace at development program ng pamahalaan.

“Our door remains open in accepting you (CPP-NPAs) all back to the folds of the law and we are offering you a way out but if you continue to resist, then it will cause your own ruin,” dagdag pa ng 26th IB commander.

-Mike U. Crismundo