TULOY ang malalaking proyektong nakalinya sa ABS-CBN, sa kabila ng isyu hinggil sa franchise renewal ng biggest network sa bansa.

Cast ng 'Love Thy Woman'

Kabilang sa malalaking proyekto ng Kapamilya ang seryeng Tanging Mahal, na tatampukan ng pinakasikat na loveteam, ang KathNiel.

Nauna nang ipinalabas ang Make It With You ng LizQuen, at A Soldier’s Heart, with Nash Aguas, Jerome Ponce, Gerald Anderson at Yves Flores .

Jodi Sta. Maria, aminadong mahirap ang blended family

Dahil ngayong Pebrero na mapapanood ang Love Thy Woman, na pinagbibidahan nina Yam Concepcion at Kim Chiu, puspusan na rin ang pag-iingay ng nabanggit na afternoon drama serye.

Sa opisyal na trailer ng Love Thy Woman na inilabas ng Dreamscape nitong Huwebes, gumaganap ang dalawang aktres bilang half-sisters na sina Jia (Kim) at Dana (Yam), na magiging magkaribal matapos umibig sa iisang lalaki.

Hindi inaasahang mahuhulog ang loob ni Jia kay David (Xian Lim), ang asawa ni Dana, habang ang huli ay comatose dahil sa isang car accident ilang araw lamang matapos ang kanilang kasal.

Ang kanilang istorya ay sumasalamin sa kanilang nakaraan, dahil si Jia ay bunga ng pag-iibigan nina Kai Estrella (Sunshine Cruz) at Adam Wong (Christopher de Leon), habang kasal ito sa ina ni Dana na si Lucy Wong (Eula Valdez).

Bukod sa nasabing stars, aabangan din sa “Love Thy Woman” sina Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

Sa direksyon nina Jeffrey Jeturian, Jerry Lopez Sineneng, at Andoy Ranay, ipapalabas ang Love Thy Woman sa ABS-CBN Kapamilya Gold simula ngayong darating na Pebrero.

-ADOR V. SALUTA