NEW YORK (AP) — Naitala ni LeBron James ang ika-10 triple double ngayong season -- 27 puntos, 12 rebounds at 10 assists – sa impresibong 128-113 panalo ng Los Angeles Lakers kontra Brooklyn Nets nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nasalpak ng Lakers ang season-high 19 three-pointers, habang lumapit si James sa 17 puntos para palitan si Kobe Bryant sa ikatlong puwesto sa NBA’s career scoring list. Maisasakatuparan ni James ang marka sa laro ng Lakers sa Sabado sa Philadelphia – ang hometown ni Byrant.

Tangan ni James ang kabuuang 33,626 puntos. Tinapos ni Bryant ang career na may 33,643.

WIZARDS 124, CAVS 112

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Sa Cleveland, hataw si Bradley Beal sa naiskor na 36 puntos para sandigan ang Washington Wizards kontra Cleveland Cavaliers.

Malamya ang simula ng Wizards bunsod nang kakulangan sa oras ng tulog nang dumating sa Cleveland ng 4:00 ng umaga mula sa overtime defeat sa Miami Miyerkoles ng gabi.