TUMATAG at nanatiling namumuno kapwa sa juniors at men’s division ang Arellano University matapos pataubin ang kanilang mga counterparts sa Jose Rizal University kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 95 sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakabawi ang Chiefs sa kanilang kabiguan sa third set upang maigupo anh Heavy Bombers, 25-19, 25-23, 22-25, 25-16 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa men’s division.

Pinangunahan ng trio nina Jesrael Liberato, Christain Dela Paz, at Christian Segovia ang tropa ni coach Sherwin Meneses sa nasabing tagumpay na kanilang nakamit sa loob ng isa at kalahating oras.

Bunga ng tagumpay, tumabla sila sa pamumuno sa University of Perpetual hawak ang malinis na markang 3-0, panalo-talo.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Tumapos si Liberato na may 16 puntos mula sa 12 attacks at 4 na blocks kasunod si De la Paz na may 14 puntos at si Segovia na nagposte ng 12 puntos.

Bunga ng kabiguan, bumaba naman ang Heavy Bombers sa kartadang 1-2.

Nauna rito, nakamit din ng Arellano Braves ang ikatlong dikit na panalo matapos pasadsarin sa ikatlo ring sunod nitong talo ang Light Bombers, 25-10,25-21, 25-18.

-Marivic Awitan