Batay sa taunang paggulong ng mga panahon sa Pilipinas, malapit na tayo sa kalagitnaan ng mainit at tigang na mga buwan ng tag-araw. Noong nakaraang taon, may mga tao sa silanga bahagi ng Metro Manila na pinagsisilbihan ng Manila Water na nagpipila ng kanilang mga timba para makakuha ng tubig mula sa firetrucks dahil umabot sa emergency levels ang tubig sa Angat Dam at nilimitahan ng Metro Manila Waterworks System (MMWS) ang supply ng tubig sa lugar. Nagsimulang pumatak ang mga ulannito lamang Hunyo, pinuno ang Angat Dam hanggang sa normal levels nito.
Sa panahon ng maiinit na buwan, ilang desisyon ang nabuo para makatulong na maiwasan ang isa na namang water shortage. Inaprubahan ng gobyerno ang pagbuhay sa Wawa Dam para magdagdag ang supply nito sa Angat Dam. Itatayo ang bagong Kaliwa Dam sa mga lalawigan ng Quezon at Rizal sa tulong ng Chinese government. Matagal na itong tinututulan sa dahilang babahain nito ang mga komunidad ng mga katutubong Dumagat-Remontados, ngunit sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na aayudahan sila sa paglilipat sa mga bagong lugar, dahil kailangang matugunan ang mas malaking pangangailangan ng tubig sa Metro Manila.
Sa Kongreso, inihain ang mga panukalang batas para masolusyunan ang taunang problema sa supply ng tubig. Isa sa mga ito ay ang panukala ni Camarines Sur Rep. L-Ray Villafuerte na nananawagan sa land developers na magkaroon ng rainwater-saving systems para makatulong na matugunan ang lumalalang problema sa tubig.
Abutin ng taon para makumpleto ang mga bagong dams kasama ang kanilang treatment at delivery systems. Partikular na ang Kaliwa Dam ay magiging handa lamang sa 2023. Kayat ngayong taon at sa susunod na taon, maaaring pareho pa rin ang ating problema gaya ng nakaraang taon, maliban na lamang kung mamaadaliin natin ang mas maliliit na mga proyekto tulad ng drilling ng mas maraming balon at pagkuha ng tubig mula sa Laguna de Bay.
Nitong Linggo, itinampok natin ang rainwater harvesting partnership program sa pagitan ng Hyundai Motor Co.ng Korea at Tanay, Rizal, na inisyatiba ng HARI Foundation. Sa loob ng dalawang taon na ngayon, ang proyekto ay nagpoproseso ng rainwater na ngayon ay ipinamamahagi na sa iba’t ibang barangay.
“We should pursue the project to bring clean water to more communities,” sinabi ni HARI Foundation President Maria Fe Perez Agudo. Umaasa siya na mapalaganap ang tagumpay ng proyekto sa iba pang lugar sa bansa.
Ang rainwater harvesting ay isang matandang gawain, sa natagpuang cisterns para pag-imbakan ng tubig na may petsang 40,000 BC sa Levant sa Southwest Asia. Maraming antigong cisterns ang nadiskubre rin sa Israel at katabing isla ng Crete, sa farming communities sa Pakistan, Afghanistan, at Iran na may petsang 300 BC. Ang rainwater harvesting ay sinasabing karaniwan sa panahon ng sinaunang Roman Empire.
Ngayon ilang komunidad ang nagsimula nang magpatupad ng rainwater harvesting systems sa Canada, India, New Zealand, Sri Lanka, South Africa, United Kingdom, China, Argentina, at Brazil. Sa Irrawaddy Delta ng Myanmar kung saan ang ground water ay saline, maraming komunidad ang umaasa sa rainwater ponds para sa inuming tubig sa panahon ng tag-araw.
Pinupuno ng mga ulan ang ating mga dam, kabilang na ang Angat, na pangunahing pinagmumulan ng tubig sa Metro Manila, ngunit ang mabilis na lumalagong populasyon ay nagdulot ng shortages sa mga buwan ng tag-araw. Samantala, karamihan ng ating tubig ulan ay patuloy na nassayang, bumabaha sa ating mabababang lugar bago dumaloy sa dagat.
Kailangan nating makaipon ng mas marami nito, hindi lamang sa ating mga dam kundi sa iba pang gumaganang sistema tulad ng programang sinimulan ng HARI Foundation katuwang ang Hyundai company ng Korea na ngayon ay nagsisilbi sa mga mamamayan ng Tanay, Rizal.