SINIGURO ni Ronjay Buenafe na kapusin man sa playoff ang Bicol, hindi matatawaran ang performance na ibibigay nila sa bawat laro.

PINANGUNAHAN ni Buenafe ang ratsada ng Bicol Volcanoes sa MPBL playoff race.

PINANGUNAHAN ni Buenafe ang ratsada ng Bicol Volcanoes sa MPBL playoff race.

Laban sa Saranggani nitong Martes, hataw ang 14-year veteran sa naiskor na 26 puntos para sandigan ang Bicol sa 86-72 panalo sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Kumubra si Buenafe ng 26 puntos, pitong rebound , anim na assist at dalawang steals para makausad ng bahagya (14-13) sa mga karibal sa Southern Division – Cebu-Casino Ethyl Alcohol (12-13) at Biñan City-Luxxe White (12-15).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Sobrang importante sa amin yun kasi any time puwede kaming ma-catch up sa number eight spot. Every game kailangan naming paghandaan, kailangan naming pagtrabahuhan ng mabuti,” pahayag ni Buenafe.

“Siguro ano lang, swerte lang. Naging maganda lang yung mga execution namin ganun. Nagtulungan kami in both offense and defense,” aniya.

Sa iba pang laro, ginapi ng Marikina ang Imus, 89-86, habang nanaig ang Pasig-Sta. Lucia sa Biñan City-Luxxe White.

Kumana si Josan Nimes ng 30 puntos para pangunahan ang Pasig-Sta. Lucia sa panalo at tuldukan ang six-game winning streak ng Biñan City-Luxxe White.

“Nung halftime na-challenge yung mga players to play defense, so yun yung naging result ng third quarter. Nagkaroon kami ng run, so ‘pag dating nung fourth medyo nag relax kaya humabol yung Biñan,” sambit ni Pasig head coach Bong Dela Cruz.

Naisalba naman ng Marikina Shoemasters ang matikas na paghahabol ng Imus, sa pangunguna ni Gerald Anderson, para makaagapay sa laban sa No.8 playoff spot sa North Division.

“Hindi kami nagpapatalo. Maganda yung additions namin and everyone wants to win. Sabi ko kasi we’re preparing for next season and for themselves din, individually preparation din nila ‘yan,” pahayag ni Shoemasters head coach Elvis Tolentino.

Iskor:

(Unang Laro)

Pasig-Sta. Lucia (82) – Nimes 30, Teng 18, Najorda 9, Mendoza 9, Gotladera 6, Velchez 4, Manalang 2, Chavenia 2, Tamayo 2, Medina 0, Grealy 0

Biñan City-Luxxe White (75) – Mendoza 16, Acosta 14, J. Mangahas 12, Bautista 9, Villanueva 7, Parala 7, A. Mangahas 6, Neypes 2, Stevens 2, Castanares 0, Justiniani 0

Quarterscores: 24-20, 36-41, 65-58, 82-75

(Ikalawang Laro)

Marikina (89) – Ular 33, Sazon 23, Espanola 8, Ybanez 6, Gines 5, Salvador 4, Mendoza 2, Casajeros 2, Tambeling 2, Dysam 2, De Chavez 2, Fortuno 0, Padua 0, Pascual 0, Cadorna 0

Imus-Luxxe Slim (86) – Ng Sang 15, Cawaling 13, Anderson 12, Cunanan 12, Helterbrand 10, Nacpil 10, Munsayac 7, Dedicatoria 4, Lim 2, Ong 1, Deles 0, Cantimbuhan 0

Quarterscores: 27-15, 52-35, 68-62, 89-86

(Ikatlong Laro)

Bicol-LCC Stores (86) – Buenafe 26, Alday 20, Aldave 12, Lalata 9, Mondragon 7, Garcia 7, Guerrero 3, Ongteco 2, Manalang 0, Gusi 0, Alfonso 0.

Sarangani Province (72) – Llagas 21, Dionson 13, Alih 6, Dimapiles 5, Soriano 4, Morada 3, Trinidad 3, Nocos 2, Cabanog 2, Medalla 1, Timon 0, Macantal 0, Ballon 0, Clavel 0.

Quarterscores: 13-18, 36-38, 57-58, 86-72.