TARGET ng Philippine Rowing Association (PRA) na makasama sa Team Philippines na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

TINUKOY nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (kaliwa) at Ph Team Chief de Mission sa Tokyo Olympics Nonong Araneta ang mga kailangang paghahanda para mas maraming atleta ang makasama sa quadrennial meet sa kanilang pagpupulong nitong Martes sa PSC administration building sa Manila

Ayon kay Patrick Gregorio, bagong halal na pangulo ng PRA, sasabak ang National paddlers sa Olympic qualifying meet sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

“Kung papalarin, baka makakuha pa tayo ng isa pang qualifier para sa Tokyo Olympics,” sabi ni Gregorio, dating chairman ng PBA Board of Governors at ngayon ay secretary-general ng Philippine Olympic Committee (POC).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumpiyansa si Gregorio bunsod na rin sa matikas na kampanya ng Pinoy sa nakaliaps na 30th Southeast Asian Games.

Pangunahing panlaban ng PH Team sina Joanie Delgaco, Melcah Jen Caballero at Chris Nievarez, nagwagi ng gintong medalya sa SEA Games.

Maunang lalaban ang tatlo sa Asia and Oceania Qualification Tournament sa Abril 27-29 sa Chungju, South Korea.