PINAGPAWISAN ng todo ang bawat isa sa makapigil-hiningang sagupaan na pinagwagihan ng University of Perpetual Help System Dalta, 25-27, 25-23, 26-24, 14-25, 17-15, kontra Lyceum of the Philippines University nitong Martes sa NCAA Season
Hataw si Jhona Rosal sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 16 receptions at 10 digs para sa Lady Altas na umangat sa 2-1.
Nag-ambag si ve¬teran outside hitter Bianca Tripoli na bumira naman ng 19 hits habang nagdagdag si Jenny Gaviola ng 10 puntos at 13 excellent sets.
Nasayang ang pinaghirapang tig-15 puntos nina Ciarnelle Wanta, Alexandra Rafael at Mary Joy O¬nofre para sa Lady Pirates na tuluyang nalugmok sa 0-3 marka.
Sa ikalawang laro, magaan na ginapi ng San Beda University ang San Sebastian College-Recoletos, 25-13, 25-9, 25-21, para sa 2-0 karta.
Sumosyo ang San Beda sa No. 2 spot kasama ang nagdedepensang Arellano University na may parehong 2-0 marka habang nangu¬nguna ang College of Saint Benilde na may matikas na 3-0 kartada.
Sa men’s division, pinataob ng reigning champion Perpetual Help ang Lyceum, 25-22, 33-31, 25-20, tungo sa matikas na 3-0 baraha na lubos na nagpatatag sa Las Piñas-based squad sa solong pamumuno.