BOSTON (AP) — Puwede nang magmalaki si Kemba Walker kay LeBron James.

ALANGANIN man sa kanyang galaw, nagawang makaiskor ni Miami Heat guard Goran Dragic laban sa depensa ng Sacramento Kings sa kanilang laro sa NBA. (AP)

ALANGANIN man sa kanyang galaw, nagawang makaiskor ni Miami Heat guard Goran Dragic laban sa depensa ng Sacramento Kings sa kanilang laro sa NBA. (AP)

Kumubra ng 20 puntos ang All-Star guard para tuldukan ang career-personal losing skid kay LeBron James matapos gapiinng Boston Celtics ang Los Angeles Lakers, 139-107, nitong Lunes (Martes sa Manila).

At malupit, nagawa ito ni Walker at ng Celtics sa dominanteng kampanya kung saan natikman ng No.1 team sa Western Conference ang pinakamalaking kabiguan ngayong season.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 20 puntos at kumana si Enes Kanter ng 18 puntos at 11 rebound para tuldukan ng Boston ang three-game losing streak.

Kumabig si James ng 15 puntis at 13 assists para sa Lakers, nagwagi ng 10 sa huling 11 laro laban sa Boston.

Subsob sa 0-28 ang heado-to-head duel ni Walker, naglaro ng walong season sa Charlotte, laban kay James — ikalawa sa kasaysayan ng NBAs sa likod ni Sherman Douglas na 0-30 laban kay Michael Jordan.

HEAT 118, KINGS 113 (OT)

Sa Miami, hataw si Kendrick Nunn sa naiskor na 25 puntos, habang kumana si James Johnson ng 22 puntos para sandigan ang Miami Heat kontra Sacramento Kings sa overtime.

Nag-ambag si Goran Dragic ng 18 puntos at tumipa si Bam Adebayo ng 16 puntos at 11 rebounds para sa Heat, nangunguna sa NBA sa overtime win ngayong season (7-0).

Naipuwersa ng Heat ang overtime nang maisalpak ni Adebayo ang dunk mula sa pasa ni Dragic may .8 segundo ang nalalabi sa regulation.

Nakaabante ang Kings sa extra period, ngunit naibaba ng Miami ang krusyal na 7-0 run para maselyuhan ang panalo.

Nanguna si Nemanja Bjelica sa Kings na may 22 puntos,habang tumipa si Buddy Hield ng 20 puntos.

JAZZ 118, PACERS 88

Sa Salt Lake City, tila napatulog ng Utah Jazz ang Indiana Pacers tungo sa dominanteng panalo.

Ratsada si Donovan Mitchell sa naiskor na 25 puntos at kumana si Rudy Gobert ng 20 puntos at 14 rebounds para sa Jazz at tuldukan ang three-game losing skid.

Nag-ambag sina Bojan Bogdanovic at Mike Conley ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna sina Myles Turner at Aaron Holiday sa Pacers na may tig-12 puntos.

SPURS 120, SUNS 118

Sa Phoenix, naungusan ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni Derrick White na kumana ng season-high 25 puntos, ang Phoenix Suns.

Abante ang San Antonio sa 78-58 sa kalagitnaan ng third quarter at napalawig sa 96-83 sa fourth period.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Denver Nuggets sa Minnesota Timberwolves, 107-100; pinataob ng New York anf Cleveland, 106-86.