PORMAL nang ipauubaya ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga sports facilities sa loob ng Philsports Complex sa mga Para athletes upang magamit sa pagsasanay para sa paghahanda sa nalalapit na 10th ASEAN Para Games, na gaganapin ngayong Marso 20 hanggang 27 sa mga lugar ng Subic, Tarlac City at Metro Manila.

Naniniwala si PSC chairman William “Butch” Ramirez na ang tanging paraan upang makakuha din ng overall championship ang Pilipinas sa kampanya nito sa nalalapit na 10th ASEAN Para Games, ay ang ibuhos ang lahat ng suporta sa mga para-athletes.

Ayon kay Ramirez, ang pagbibigay ng buo at lubos na suporta sa mga para-athletes ang siya ring maaring maging susi para sa overall championships gaya nang naging resulta sa nakaraang 30th Southeast Asian games nitong Disyembre kung saan nakuha ng bansa ang titulo sa ikalawang pagkakataon.

“We want to duplicate the same success Team Philippines had in the SEA Games,’’ ayon sa PSC chief sa isang panayam sa kanya.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Sa kaslaukuyan ay nagagamit na rin ng dekalidad na para-swimmers na sina Ernie Gawilan, Garry Bejino at ng buong koponan ang New Clark City Aquatic Center na ginamit sa swimming competition sa nakaraang biennial meet.

“We will give our full backing to the national para athletes set to compete during the Asean Para Games,’’ ani Ramirez.

Aabot sa mahigit 1,500 para athletes buhat sa 11 bansa ang makikipag-buno para sa nasabing biennial meet na tampok ang 20 sports.

-Annie Abad