KASANGGA pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagratsada ng 2020 Palarong Pambansa.
Sa pakikipagpulong ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kay Department of Education (Depedf) Secretary Leonor Briones, pinagtibay ang responsibilidad ng ahensiya sa ‘planning and program’ ng Palaro.
Kasama rin sa pulong sina DepEd undersecretary Revsee Escobedo at Marikina Mayor Marcelino Teodoro.
Nakatakda ang Palaro sa Mayo 1-8 sa Marikina City.
Kinuha ng City of Marikina ang hosting ng 2020 Palarong Pambansa matapos umatras ng Occidental Mindoro bunsod ng pagkasira ng ilang venue bunsod ng bagyong ‘Tisoy’.
Batay sa Palarong Pambansa Resolution No. 2019-002, ginamit ng Board ang nakasaad na kautusan para sa pagpili ng venue o host LGU, na nakasaad din sa Republic Act No. 10588.
Ngunit, ang malaking pinsala sa lalawigan ng Occidental Mindoro ang naging dahilan para ilipat ang tauang palaro para sa mga atletang estudyante sa Marikina City.
-Annie Abad