HOST muli ang bansa sa second leg ng 2020 FIBA 3x3 World Tour.
Mula sa masigasig na pangangasiwa ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, sa pamumuno ni Ronald Mascariñas , muling ipinagkaloob ng International basketball federation ang hosting ng second Masters tournament ng 2020 FIBA 3x3 World Tour season.
Inilabas ang pahayag sa opisyal na anunsiyo sa kabuuan ng programa ng FIBA 3x3 nitong Lunes (Martes sa Manila).
Isasagawa ang Chooks-to-Go Manila Masters sa Mayo 2-3 sa SM Megamall Fashion Hall. Ito ang ikatlong pagkakataon na ibinigay sa bansa ang hosting ng torneo. Naisagawa ang unang dalawang level 10-event sa Manila noong 2014 at 2015.
“Last year, 3x3 basketball once again entered the collective consciousness of the Filipino people. We had three conferences in our local league while also having two international tournaments here, namely the world’s first-ever Super Quest and the Manila Challenger,” pahayag ni Mascariñas.
“We needed to continue that momentum and what better way to do so than hosting a World Tour Masters,” aniya.
Inaasahang sabak sa torneo ang pinakamatitikas na koponan sa mundo ng 3x3, kabilang ang Liman, Novi Sad, Riga Ghetto, at NY Harlem.
Magsisilbing qualifying event para sa torneo ang ilalargang 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup sa susunod na buwan.
Sa napagkasunduang programa para sa 2020, 13 Master event ang kabilang sa World Tour. Gaganapin ang World Tour Finals sa Nobyembre sa Riyadh.
Pursigido rin ang Chooks-to-Go Pilipinas na makuha ang hosting sa isa pang Super Quest led ngayong taon