IT’S official. Si Binibining Pilipinas 2019 first runner-up Maria Andrea “Aya” Abesamis na ang bagong Binibining Pilipinas Grand International 2019.
“It’s overwhelming. But actually, I would be able to continue the responsibilities of Bb. Pilipinas Grand International,” pahayag ni Aya, nang matanong hinggil sa kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay sout na niya Bb. Pilipinas Grand International sash, sa ginanap na topping-off ceremony ng first Ibis Styles Hotel sa bansa sa Araneta City , Quezon City nitong Lunes ng Hapon.
“I just learned about it a few weeks ago. I was still on vacation and then they told me what would be my responsibilities. That’s it,” pagbabahagi ni Aya.
Pinalitan ni Aya si Samantha Ashley Lo na isinuko ang kanyang titulo dahil sa travel issues. Noong Hunyo 2019 pa kinoronahan ang Bb. Pilipinas 2019 batch of winners.
Umaasa naman ang bagong beauty queen mula Pasig, na magagamit niya ang kanyang titulo upang maisulong ang kanyang adbokasiya at matulungan ang lahat. “Just like how my sisters are doing now.”
Nang matanong kung magco-compete pa rin siya abroad, “Yun ang hindi ako sure. Hindi po namin napag-usapan ‘yung part na iyon but as of now, I just have to do my duties.”
Ayon sa sources sa Bb. Pilipinas, tiyak na si Aya na ang magsasalin ng kanyang korona sa susunod na magwawagi ng titulo sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2020 beauty pageant ilang buwan mula ngayon.
Si Aya, 28, ay anak ni Miss Universe 1984 third runner-up Desiree Verdadero-Abesamis.
Ito ang kanyang ikalawang beses na lumaban sa most prestigious national beauty pageant ng bansa. Noong 2018, pumasok hanggang top 15 si Aya sa Bb. Pilipinas.
Graduate si Aya ng Fine Arts saUniversity of Santo Tomas. Miyembro rin siya ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP).
“As an artist, I believe that this can empower, enable, and also inspire a lot of people or anybody at least, especially the youth and the vulnerable members of society,” pahayag ni Aya sa kanyang video speech for Bb. Pilipinas pageant.
-ROBERT R. REQUINTINA