SI Manila Mayor Isko Moreno ang latest celebrity endorser ng Belo Thermage FLX procedure . P2-M ang talent fee ni Isko sa nasabing FLX procedure kalakip ang pagpo-promote ng bagong beauty enhancement na kanyang ini-endorso.
Lalong nakilala si Isko sa pagiging matapang na lider at mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas sa Maynila, pero ang hindi alam ng karamihan, takot siya sa karayom at sa injection.
Napapayag lamang ang Alkalde na subukan ang Belo Thermage FLX procedure dahil sa assurance ni Dra. Vicki Belo na walang karayom na gagamitin sa kanyang mukha.
“She promised. She promised there’s no injection,” ani Isko.
Dagdag ng aktor-pulitiko, “She promised it will be a quick procedure, and she promised I will see immediate results.
“She promised and she delivered,” sabi ni Isko matapos gawin sa kanya ang procedure na ikinatutuwa niya dahil sa mga komentong bumata ang kanyang itsura.
Ayon naman kay Dra. Belo, kinuha niyang enodorser si Isko dahil kapuwa silang passionate na ipakita sa buong mundo na world class ang ating bansa. “
Sey pa ni Dra. Belo, “I’ve met him so many times, and he’s really one of the most hardworking, sincere, humble people.
“And I think that’s what I admire about him and, of course, he’s very close to the Lord.
“I know we’re third world, but we are first class in dermatology.
“So when I meet a person who has that same love and who wants to taas the bandilang Pilipino, I feel it in my bones, and that’s what I felt with Mayor Isko.
“Put it together somehow—love for Philippines, Belo Medical Group being around 30 years trying to make a dent in the world, trying to make the country a beauty destination—parang I feel a kinship,” pahayag ni Dra. Belo.
Dahil na rin sa suggestion ni Isko, ginanap noong January 14 ang launch sa kanya bilang Belo celebrity endorser sa Rizal Park Hotel. Dito rin ipinagkaloob ni Dra. Belo ang kahalating milyong piso na donasyon ng Belo Medical Group sa mga biktima ng Taal Volcano eruptions sa pamamagitan ng relief efforts ng Philippine National Red Cross.
“Because we all want to help… this is not going to be a superficial presscon.
“But rather, it’s also a way that… together we can help and we will continue to help you. We are all here,” pagtatapos pa ni Dra. Belo.
-ADOR V. SALUTA