TUMAPOS si Arena Grandmaster (AGM) Roberto Suelo Jr. ng Pilipinas sa 3rd overall sa tinampukang leong @64 Rapid Chess Challenge 2020 na ginanap sa Ang Mo Kio Community Club sa Singapore.
Nakapagtala ang 1996 Philippine Junior champion na si Suelo ng 6.0 points mula sa 6 wins at 1 loss sa 7 outings, subalit nakamit ang 3rd dahil sa lower tiebreak kontra kina eventual champion Grandmaster (GM) elect at International Master (IM) Kevin Goh Wei Ming ng Singapore at 2nd place Fide Master (FM) Ashvin Sivakumar ng Singapore.
Matapos makapagtala ng anim na sunod na panalo, nabigo si Suelo na makamit ang solong kampeonato matapos mabigo kay Kevin sa final round. Naghati ang talo sa kabuuang 2,000 Singapore dollar (P78,000) premyo.
Ang 1-day rapid event (25 minutes time control format) na suportado ni Filipino Jaime “Bong” Tiburcio ay isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng 64th birthday celebration ni Fide Master (FM) Ignatius Leong. Ang tournament director ay si Mr. Philip Chan habang ang Chief Arbiter ay si Gan Yeow Beng na ang assistant ay si Filipino arbiter Erwin Tabor.
Sa Youth Challengers section, nanaig si Jayson Jacobo Tiburcio ng Pilipinas kontra kay Chen Meng Ren Morgan ng Singapore sa seventh at final round para makisalo sa top spot kay Rahul Lakshminarasimhan ng Singapore na kapwa nakapagtala ng identical 6.5 points. Base sa tournament’s official ranking ay si Lakshminarasimhan ang naging meet’s top finisher na may naikamadang tiebreak score 24.5 kontra kay Tiburcio na 24.0.