MAY panawagan si Odette Quesada sa tinaguriang Bossa Nova Queen na si Sitti Navarro-Ramirez. Wish nito na kantahin sana ng singer ang isa sa biggest hit song niyang Dito Lang Ako na sinulat nila ng asawang si Odette Bodjie Dasig (SLN) at inirelease ito ng BMG Records noong 1997.

odette

Binanggit ito ni Odette sa nakaraang Hopeless Romantic concert niya sa BGC Arts Center nitong Sabado, Enero 18.

Birong sabi ni Odette, “Sabi nila, si Sitti raw ang Bossa Nova Queen, ako ang unang gumawa ng bossa nova. Sana kantahin niya ang kanta ko, I think she’s really, really good in that genre of music and if you’re listening Sitti, can you please do a version of this song.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sabay kanta ng Dito Lang Ako, oo nga si Odette ang bossa nova singer noong kapanahunan niya.

Marahil kung nasa audience nang gabing iyon si Sitti malamang na matutuwa ito dahil isa sa sikat na songwriter noong 80’s at 90’s ang nanawagan sa kanya.

Samantala, hindi lahat ng mga sikat na mang-aawit noong kapanahunan ni Odette ay nagawan niya ng kanta tulad ni Martin Nievera na isa sa guest sa show na panay ang tanong kung bakit man lang siya nagawan ng kanta?

Tanging sagot na lang ni Odette ay dahil nauna niyang igawan sina Raymond Launchenco (Farewell) at Ric Segreto (Give Me A Chance). Ang iba pang binigyan ng kanta ay sina Ariel Rivera (Ayoko Na Sana), Gary Valenciano (Growing Up) at iba pa.

At dahil sa kakukulit ni Martin ay may naisip ng titulo ng kanta si Odette na bagay sa tinaguriang Concert King, ang How can I miss you, if you don’t go Away.

Samantala, inanunsiyo rin sa show na pumayag na si Odette na gagawa ng album si Sharon ng ‘Sharons sings Quesada’ at aprub na ito ng licensing officer ng una na si Christine Bendebel na isa ring songwriter.

Anyway, sobrang nag-enjoy ang lahat sa dalawang gabing show ni Odette at dahil alam ng singer/songwriter na sobrang na-miss siya kaya nagpa-unlak siya ng meet and greet at ang saya-saya ng lahat.

-REGGEE BONOAN