UMARANGKADA ang National University-Nazareth School sa final period para makaalpas sa Adamson University, 94-79, nitong Linggo sa UAAP Season 82 High School Boys Basketball Tournament sa FilOil Flying V sa San Juan.
Nakamit ng Bullpups ang ikasiyam na panalo para masiguro ng reigning champions ang playoff spot sa torneo.
Mas naging masalimuot ang kampanya ng Bullpups kumpara sa unang [ahaharap sa Baby Falcons nitong Nobyembre 21 kung saan naitala ng Sampaloc-based cagers ang magaan na 82-60 panalo.
“Alam naman namin na lalaban ang Adamson, pero buti nung fourth, nakuha ng bigs namin yung rhythm nila,” sambit ni Bullpups head coach Goldwin Monteverde.
Arya sa tatlong puntos, 69-66, may 8:26 ang nalalabi sa laro, nagbaba ang NU ng 12-2 blast para mapalawig ang bentahe. Kinaldag nina big men Carl Tamayo at Kevin Quiambao ang mga karibal, habang kumasa sa outside si Terrence Fortea na kumana ng apat na three-pointer.
Nanguna si Fortea sa naiskor na 25 puntos.
“Si Terrence naman, kahit naging ganun yung first round, nandun pa rin yung trust namin,” pahayag ni Monteverde.
Humirit naman si Tamayo ng 18 puntos, pitong rebounds, at dalawang blocks, habang kumasa si Quiambao ng 16 puntos mula sa 7-of-11 shooting, pitong rebounds, apat na assists, at dalawang steals. Nag-ambag si Reyland Torres ng limang puntos at walong rebounds.
Nanaitli naman sa No.2 ang FEU-D matapos gapiin ang Ateneo High School, 67-57.
Nalimitahan ng Baby Tamaraws ang Blue Eaglets sa siyam na puntos sa final period tungo sa ikawalong sunod na panalo sa siyam na laro.
Nanguna si Patrick Sleat sa Baby Tams na may 18 puntos mula sa 6-of-12 shooting at 16 rebounds, habang tumipa si Jorick Bautista ng 15 puntos.
Natamo ng Ateneo, pinangunahan ni Lebron Lopez na may 16 puntos at 16 rebounds at limang blocks.
Sa ikatlong laro, namayani ang University of Santo Tomas sa University of the Philippines-Integrated School, 87-63.
Iskor:
(Unang Laro)
UE (81) -- Marasigan 21, Cruz 14, Montecalvo 9, Castillo 8, Montecastro 6, Ortiz 6, Cabili 5, Austria 4, San Juan 3, Pelipel 2, Serrano 2, Caliwag 1, Mara 0, Peralta 0.
DLSZ (68) -- Baclaan 18, Omer 12, Cudiamat 10, Dalisay 7, Reyes 5, Quimado 4, Unisa 4, Del Mundo 3, Melecio 2, Milan 2, Tupas 1, Lawrence 0, Luna 0, Sevilla 0.
Quarterscores: 16-10, 38-31, 53-48, 81-68.
(Ikalawang Laro)
UST (87) - Lina 20, Maliwat 17, Cortez 12, Villarez 9, Ascutia 6, Bautista 6, Calivozo 6, Escoto 5, Biag 4, Jalbuena 1, Javier 1, Montemayor 0, Oliva 0, Pabingwat 0.
UPIS (63) - Torres 25, Gomez de Liano 11, Torculas 9, Dimaculangan 6, Lopez 5, Canillas 4, Cordero 3, Armamento 0, Avinado 0, Morejelo 0, Napalang 0.
Quarterscores: 29-14, 51-31, 71-53, 87-63.
(Ikatlong Laro)
NU-NS (94) - Fortea 25, Tamayo 18, Quiambao 16, Torres 15, Alarcon 4, Enriquez 4, Abadiano 3, Abiera 3, Buensalida 2, Laure 2, Tulabut 2, Felicida 0, Mailim 0.
ADU (79) - Fiegueroa 16, Erolon 13, Barcelona 12, Hanapi 11, Guarino 10, Dominguez 8, Quinal 5, Abdula 2, Dubouzete 2, Ocangcas 0.
Quarterscores: 26-18, 47-35, 65-62, 94-79.
(Ikaapat na Laro)
FEU-D (67) - Sleat 18, Bautista 15, Anonuevo 9, Pasaol 8, Saldua 8, Estacio 6, Libago 2, Padrones 1, Bagunu 0, Buenaventura 0.
AHS (57) - Lopez 16, Jaymalin 8, Lazaro 8, Padrigao 8, Salvador 6, Pangilinan 6, Pangilinan 4, Salvador 4, Rubiatao 2, De Ayre 1, Espinosa 0, Ladimo 0.
Quarterscores: 14-18, 29-32, 50-48, 67-57.