MAY bagong koponan muli si Sol Mercado sa pagbubukas ng PBA season.

Kinuha ang beteranong guard ng Phoenix Pulse mula sa NorthPort sa two-for-one trade nitong Luines at aprubado ng Commissioner’s Office.

Kapalit ni Mercado sa Batang Pier sina point guard LA Revilla at wingman Rey Guevarra sa trade na nagdagdag karanasan at lalim ng bench sa Fuel Masters.

Naunang na-trade ang 35-anyos sa NorthPort mula sa Barangay Ginebra San Miguel sa isyung kinasangkutan ni Stanley Pringle. Ito ang ikapitong koponan sa career ni Mercado mula nang kunin ng Rain or Shine noong 2008.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Tangan niya ang averaged 5.6 points, 2.9 rebounds and 3.2 assists sa Philippine Cup, 6.7 points in the Commissioner’s Cup and 4.4 points, 1.6 rebounds and 1.0 assists sa Governors’ Cup.

-Jonas Terrado