ABUT-ABOT ang pasasalamat ng grupong SB (Sexbomb) New Gen sa pangunguna ng manager nilang si Jara Cancio sa dancer/actress na si Ella Gruz dahil isinama sila sa BlackPink show na ginanap sa Indonesia, kamakailan.
Simula nang bitawan na ni Joy Cancio ang pagma-manage ng Sexbomb ay ang anak niyang si Jara na ang pumalit sa mga bagong miyembro ng sexbomb na tinawag na SB New Gen.
Parehong idolo nina Ella at SB New Gen ang K-pop girl group na BlackPink kaya naman ng sila ang maging representative ng Pilipinas para sa BlackPink’s dance cover competition ng Samsung Galaxy A Awesome Live event ay sobrang saya nila.
Sina Eunice at Daphny ng SB New Gen ang nagsilbing back-up dancers ni Ella sa dance competition talagang hinangaan sila ng BlackPink members at nagsilbing hurado sina Jennie, Rose, Jisoo, at Lisa na ginanap sa Tennis Indoor Stadium Senayan in Jakarta, Indonesia nitong Enero 14.
Pinost ni Ella sa kanyang IG account ang video ng performance nila at kung ano ang reaksyon nina Liza at Jisoo.
Ang caption ng video, “Highlight of our performance! TOTOO BA TO! Full performance vid will be uploaded tomorrow and also BLACKPINK’s reaction! #AWESOMELIVE #GalaxyAwithBlackpink”
Napanalunan nina Ella, Eunice at Daphne ang Awesome Cover award at sobrang proud naman ang mama Joy ni Jara dahil sa achievement ng anak at ng grupo nitong SB New Gen.
Anyway, regular namang may gig ang SB New Gen sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City.
-Reggee Bonoan