DETERMINADO ang Pilipinas na magpataw na ng total deployment ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait kasunod ng brutal na pagpatay sa 26-anyos na Filipino domestic helper na si Jeaneylen Villavende.
Kakila-kilabot ang sinapit na kamatayan ni Villavende sa kamay ng mga amo. Batay sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation sa bangkay, bukod sa bugbog-sarado ang biktima, siya ay hinalay pa at pinasukan ng blunt instrument sa puwet.
Noong Huwebes, nag-isyu ng isang resolusyon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagpapataw ng ganap na pagbabawal sa pagpapadala o pagtatrabaho ng Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Inaprubahan ng POEA governing board ang total deployment ban sa bisa ng rekomendasyon ni Labor Sec. Silvestre Bello III. Batay sa POEA resolution, lahat ng uri at kategorya ng mga manggagawa ay saklaw ng pagbabawal bagamat may exception alinsunod sa pasiya at determinasyon ng Labor Secretary.
oOo
Nag-utos ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng sapilitang paglilikas (mandatory evacuation) ng mga residente sa dalawang siyudad at 12 bayan sa Batangas sa harap ng posibleng malakas na pagsabog pa ng Taal Volcano.
Sa isang memorandum, inatasan ng DILG-Calabarzon ang local government units (LGUs) na mag-organisa ng mandatory evacuation sa mga lugar na posibleng daanan ng tinatawag na “deadly projectiles, base surges and volcanic tsunami that may be triggered by the eriuption of Taal Volcano”. Ang memo ay nilagdaan ni DILG regional officer-in-charge Abigail Andres.
Batay sa ulat, ang mga saklaw ng direktiba ay mga bayan ng Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Lemery, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta Teresita, Taal at Talisay. Ang dalawang siyudad ay Lipa at Tanauan.
Habang sinusulat ko ito, medyo kalmado at tahimik sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal. Sinabi ni Science Undersecretary at Phivolcs Director Renato Solidum bagamat kalmado ang bulkan noong Huwebes, nananatiling mapanganib ang 311-metrong volcano.
Ganito ang paliwanag ni Solidum: “The volcano cannot sustain strong eruptions. It needs to have a supply of magma. If the rise of magma is slow, it will only create a small eruption. If the ascent of magma is fast, that’s when you can see stronger eruptions.” Napansin ng Phivolcs officials at ng mga mamamayan na nagkaroon ng maraming fissures o bitak ang mga lupa na bunsod daw ng pagkilos ng magma sa ilalim.
S a k a g u s t u h a n g makatulong sa mga biktima ng Bulkang Taal, tatlong estudyante ng La Salle ang n a a k s i d e n t e sa daan sa Batangas matapos mamahagi ng relief goods. Sina Rio John Abel at Maximo Alcantara III ay tinamaan ng trailer truck sa Barangay Banay-Banay Ist sa national highway dakong 1:30am at namatay. Ang kasama nilang si Darwin Lajara ay nasugatan at dinala sa isang ospital.
Nagpasalamat si De La Salle Lipa president Dante Amisola sa mga estudyante dahil sa kanilang serbisyo para sa mga biktima ng bulkan. Sila ay maituturing na mga bayani.
-Bert de Guzman