LUMIPAT man ng training camp, tuloy ang paghahanda ni Jerwin Ancajas para sa nalalapit na duwelo kay Jonathan Javier Rodriguez sa Pebrero 22 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ayon sa kampo ni Ancajas, pansa­mantala nilang iniwan ang training sa Silang, Cavite bunsod ng makapal na apo na bumgsak dito dulot ng pagputok ng Bulkang Taal sa karatig bayan sa Batangas.

“Ready naman kami. Sa aspeto ng nutrition, walang problema si Jerwin,”pahayag ni Jeaneth Ato, ang personal dietician ng kampeon.

Matatandaang naudlot ang bak­bakan ng dalawa sa Los Angeles nitong 2019 matapos mabigong makakuha ng visa ang Mexican fighter.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Para hindi masayang ang biyahe, inilaban ang 28-anyos kontra Chilean Miguel Gonzalez na pinabagsak ng Pinoy sa ika-animna round.

Kasalukuyang tumitim­bang ng 135 pounds si Ancajas ngunit hindi naman ito magiging hadlang sa pagkamit ng division limit na 115 li­bra dahil nakaalalay naman ang kan­yang nutritionist na si Aro.

Tangan ni Ancajas ang 32-1-2 ring record, tampok ang 22 knockouts.