TUWING sasapit ang ikatlong Linggo ng Enero ng bawat taon, bahagi na ng tradisyon at kaugalian ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto. Nino o Divine Child na kinikilalang patron saint ng mga bata.
Sa lahat ng mga simbahan katoliko sa Pilipinas, bahagi ng pagdiriwang ang pagdaraos ng Misa. Dinadaluhan ng mga may panata at deboto ng Sto. Nno at ng iba pang Kristiyanong Katoliko na may debosyon sa Sto. Nino. Pagkatapos ng misa ay ang prusisyon na tampok ang iba’t ibang imahen ng Divince Child. Hawak ng mga bata sa prusisyon. Ganito rin ang mga matatandang babae at lalake at ang iba pang deboto at namamanata sa Sto. Nino.
Bahagi rin ng pagdiriwang ng pista ng Sto.Nino ang pagbibigay buhay sa mga tradisyon na kaugnay ng kapstahan. Mababanggit na halimbawa ang Sinulog Festival sa Cebu City na tinawag na City of the Most Holy Name of Jesus. Ang Sinulog Fesrival ang sinasabing nagpakilala sa daigdig sa Lungsod ng Cebu na nagdaraos ng nasabing pagdiriwang kapag sumapit na ang ikatlong Linggo ng Enero.
Sa Pista ng Sto.Nino, bnibigyang-buhay rin ang Ati-Atihan o street dancing sa Kalibo, Aklan. Dinarayo ito ng mga turista mula sa iba’t ibang bayan at lalawigan at maging ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa.
Sa lungsod ng Iloilo, ang pagpaparangal sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino ay sa pamamagitan ng Dinagyang Festival na isa na rin tourist attraction. Ganito rin sa Kabankalan City, Negros Ocidental na tampok naman ang Sinulog na ipinakikita sa mga sayaw at drama ng kasaysayan, kultura at pag-unlad ng Kungsod ng Kabankalan.
Ayon sa kasaysayan, ang Pista ng Sto. Nino ay isa sa pinag-uukulan ng debosyon. Nagsimula ito sa Sto.Nino de Cebu (Sugbu ang dating tawag o pangalan) nang ibigay ni Ferdinand Magellan bilang regalo kay Reyna Juana ang imahen ni Sto. Nino nang siya ay binyagan. Si Reyna Juana ay ang asawa ni Raha Humabon.
Nang mapatay si Ferdinand Magellan ni Lalu-Lapu sa Mactan Island at tumakas ang mga tauhan ni Magellan, sa Spain, naiwan ang imahen ng Sto. Nino.
Makalipas ang matapat na dekada, ang imahen ng Sto. Nino ay natagpuan sa nasabi ring lugar (sa Cebu) ni Juan Camus, isa sa mga tauahan ni Miguel Lopez de Legazpi na kasama sa expedition o paglalakbay.
Sa pagkakatagpo sa imahen ng Sto. Nino, ang mga Kastila ay nahikayat na na tawagin ang Cebu na “Villa del Santisimo Nuestro de Jesus”.
Nagsimulan naman ang debosyon aat panata sa Sto. Nino sa Espanya. Sinasabing si Sta Teresa nng Avila,ang pinaniniwalaang nagpakilala sa imahen ng batang si Jesus na nakdamit tulad ng isang hati.
Mula sa Cebu, mahigit na 400 taon na ang nakalilipas, ang debosyon at panata sa Sto. Nino ay lumaganap sa buong bansa. Marami na ring barangay sa iba’t ibang bayan sa iniibg natin Pilipinas ang isinunod sa pangalan ng Sto. Nino. At mula naman sa Europa, ang pamamanata ay ginawa na rin sa Asia at iba pang bansang Katoliko.
Ang imahen ng Sto. Nino ay nagpapagunita sa atin na may mga bagay na kahanga-hanga sa mga bata. Sila ang sinsabing pinakamalais na nilikha ng Dakilang Maykapal.
Katulad ng batang si Jesus, ang mga bata ay nagpapaalaala sa atin ng kanilang kawalang-malay, malinis na budhi ng pagiging simple kababaang-loob at pagiging matapat.
Ang kawalang-malay ng mga bata, ang kanilang mga ngiti , pagtitiwala at kasiglahan ay masasabing pinakamabisang panlaban sa pagkuklunwari at kaplastikan at mga pagkakamaling nagpapadilim sa daigdg ng mga matatanda o senior citizens .
Ang imahen ng Sto. Nino at ang pagdiriwang ng kanyang kapistahan ay isang magandang tagapagpagunita upang ang mga bata ay mahalin, kalinmgain at alagaan ng kanilang mga magulang at ng pamahalaan.
Nakalulungkot lamang na na sa panahon ngayon, maraming mga bata lalo na ang mga mahihirap ay napababayaan ng kanilang mga magulang. Hindi naibibigay ang kanilang mga wastong pagkain na kailangan sa kanilang paglaki. Bunga nito, mabagal ang kanilang pang-unawa sa panahon ng kanilang pag-aaral. Ang ganitong kalagayan kailangan at nararapat ang malawak, matiyaga at masinop na pagtuturo ng kanilang mga guro sa paaralan at ang pakikipagtulungan ng mga magulang.
-Clemen Bautista