INAASAHANG naasahang unang mapipili ang Fil-Am forward na si Jamie Malonzo sa idaraos na 2020 PBA D-League Draft sa araw na ito sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Ang 6-foot-6 high-flyer ang nangunguna sa radar ng AMA Online Education, ang nagmamay-ari ng first pick dahil na rin sa naging stints ni Malonzo sa Portland State at sa De La Salle sa nakaraang UAAP season kung saan naging bahagi ito ng Mythical Team.

Ito ang ika-4 na sunod na taon na hawak ni coach Mark Herrera at ng Titans ang top pick sa taunang rookie selection para sa mga nag-aambisyong umabot ng PBA.

Kabilang sa mga naunang top picks ng AMA ay sina Jeron Teng (2017), Owen Graham (2018) at Joshua Munzon (2019).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod kay Malonzo, ilan sa mga napipisil na maagang mapipili ay sina Gilas pool member Jaydee Tungcab, mga dating national youth players Jollo Go at Jerie Pingoy at mga Cebuano standouts Darrell Menina at Jaybie Mantilla.

Binubuo ang rookie pool ng 137 mga aplikante kabilang na ang 17 Fil-foreigners.

Labing-isa naman sa 12 teams na kalahok sa darating na Aspirants’ Cup ay pawang mga school-based squads.

Samantala, ang Foundation Cup runner-up Marinerong Pilipino ang may ari ng second pick at kasunod nila ang Aspirants Cup bridesmaid na Centro Escolar University.

-Marivic Awitan