SA mga showbiz event na nadaluhan namin ay naunang nagpahayag si Sharon Cuneta ng saloobin niya kay Presidente Rodrigo R. Duterte tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, nangyari ito sa A Mega Celebration presscon.

vodka1

Sinundan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa launching ng teleserye nilang Make it with You.

At sumunod naman sina Bela Padilla at JC Santos sa presscon ng ikatlo nilang pelikulang On Vodka, Beers and Regrets na sinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor produced ng Viva Films at mapapanood na sa Pebrero 5.

'I was young, wild, and free!' Ellen Adarna inaming ‘hubadera’ siya noong 2016

Ngumiti si Bela at pabiro niyang sinagot, “Shucks, oo nga, mawawalan na pala akong trabaho.”

Hirit naman ni JC, “Nalulungkot din ako.”

Halos lahat ng artistang nakausap namin tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng prangkisa ay wala raw abiso sa kanila ang ABS-CBN management basta ang bilin sa kanila ay tuloy ang trabaho at sa katunayan ay ang daming magagandang teleseryeng naka-line up ang network na pawang malalaking artista pa ang bida.

Tanong ni Bela, “May sinabi na ba sa inyo?”

“Sana naman humaba pa. Sana both sides magkakapatawaran hindi ko alam, e,” say naman ni JC.

Dagdag pa ng aktres, “Ayaw ko siyang isipin na mawawalan na pala ako ng trabaho.”

Samantala, laking gulat ni Bela nang biglang inamin ni JC na na-attract sa kanya ang aktor noong unang pagsasama nila sa pelikula.

“Nakaka-shock itong presscon na ‘to. Wow! Ngayon ko lang nalaman,” gulat na sabi ng aktres.

Sabi naman ng aktor, “I think, alam niya.”

Dagdag pa ni JC, “Ang pinakaimportante po sa akin, love na love ko si Bela. Ang pinakaimportante po sa akin, yung work relationship namin. Sana nga, makasampung pelikula pa kami. Ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa’t isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami.”

At inamin naman ni Bela na alam nga niyang crush siya ni JC kasi sa panayam nito sa isang magazine ay nabanggit doon na attracted siya sa aktres.

“Noong una kaming nagkatrabaho sa Stella, hindi kami magkakilala ‘ t a p o s ma b i g a t yung una naming eksena together. So, kinabahan ako kasi hi and hello lang kami sa ABS-CBN.

“ T a p o s , ma y na gpada l a sa akin ng l ink ng Candy magazine, parang ininterbyu si JC. Tapos, sabi c e l ebr i ty c rush, nabasa ko, nakalagay Bela Padilla.

“So, yun ang una kong sinabi sa kanya paglapit ko, ‘Hoy, crush mo pala ako!’ kaya pagdating namin sa set, komportable na kami. Masarap siyang asarin, hindi napipikon.”

Kaso wala nang chance na mag level up ang pagka-crush ni JC kay Bela dahil umaming may-asawa na at magiging daddy na sa susunod na buwan ang aktor.

Samantala, ang kuwento ng pelikulang On Vodka, Beers and Regrets ay tungkol sa artistang babaeng alcoholic na nakahanap ng lalaking pagsasabihan ng problema hanggang sa nagkaroon na ng ‘balak’ si JC.

Magkakaroon ng premiere night ang On Vodka, Beers and Regrets sa SM Megamall Cinema 1 sa Pebrero 3, Lunes.

-Reggee Bonoan