GINAPI ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 81-70,para sa ikalawang sunod na panalo nitong Sabado sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 High School Girls’ Basketball Tournament sa Paco Arena.

NALUSUTAN ni Frenz Salado ng La Salle ang depensa ng Ateneo para sa ewasy layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP women’s basketball tournament.

NALUSUTAN ni Frenz Salado ng La Salle ang depensa ng Ateneo para sa ewasy layup sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP women’s basketball tournament.

Pinangunahan ni team captain Crisnalyn Padilla ang nasabing panalo ng Lady Baby Falcons sa itinala nitong 20 puntos, 9 assists, 4 steals at 2 rebounds.

Mula sa ipinoste nilang 20 puntos na bentahe sa halftime, hindi na natinag sa pangingibabaw ang Adamson hanggang maangkin ang tagumpay na nagluklok sa kanila sa solong pamumuno.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Good job sa mga players kasi lahat ng tinuro namin especially yung play kasi nae-execute nila yung play. Nae-execute nila yung good defense,” ani Adamson coach Ewon Arayi.

Muli namang namuno si Erika Danganan sa nabigong Junior Tigresses sa itinala nitong game-high 25 puntos at 12 rebounds.

Sa isa pang laban,nakapasok ang De La Salle-Zobel sa win column matapos dominahin ang Ateneo High Shcool, 105-36.

Si Jeehan Ahmed ang nanguna sa Junior Lady Archers sa iniskor nitong 19 puntos, 5 rebounds at 2 assists.

Nag-iisa naman si Andrea Sarmiento na tumapos na may double digit para Lady Eaglets sa itinala nitong 22 puntos.

Target ng Adamson na mawalis ang first round sa pakikipagtuos sa La Salle ganap na 9:00 umaga, habang magtutuos ang UST at Ateneo ganap na 11:00 am sa susunod na Sabado.

Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

ADU (81) - Padilla 20, Camagong 20, Carcallas 14, Agojo 10, Miguel 9, Roy 6, Amdad 2, Villarba 0, Reyes 0, Pohen 0, Brutas 0.

UST (70) - Danganan 25, Lacayanga 14, Araza 8, Sison 6, Estudillo 5, Serrano 4, Santos C. 3, Santos B. 3, Rivera 2, Tubog 0, Eroles 0.

Quarterscores: 23-8, 43-23, 67-42, 81-70

(Ikalawang Laro)

DLSZ (105) - Ahmed 19, Cancio 17, Udal 16, Salado 12, Dela Paz 9, Lopez 9, Amol 8, Mataga 6, Maw 5, Villarin 2, Ba 2.

AHS (36) - Sarmiento 22, Almeda 8, Perez 3, Doctor 3, Medina 0, Jimenez 0, Gonzaga 0, Co 0, Capayas 0, Baltazar 0.

Quarterscores: 37-7, 55-8, 82-21, 105-36