NAGPA-PLANO ang bumubuo ng A Soldier’s Heart na pumunta sa mga biktima ng Bulkang Taal para mamigay ng tulong at inaayos lang nila ang kanilang schedules dahil nga patayan na naman ang tapings nila para sa bago nilang serye na mapapanood na simula ngayong gabi pagkatapos ng Make it with You.

A soldiers heart

Base sa kuwento ni Nash Aguas pagkatapos ng screening nitong Huwebes, “actually nagpa-plano po kaming lahat na magbigay ng relief goods, hindi pa lang po alam kung kailan kasi nagkasabay-sabay po (tapings) at sino-sort out pa po namin ang aming gagawin.

Puring-puri nina Nash at Elmo Magalona si Gerald Anderson dahil kung ano ‘yung mga eksenang nasa A Soldier’s Heart ay ganu’n din si ‘Ge off-cam.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Ako po first time kong maka-trabaho si Gerald, very kuya talaga. At mapili lang na mapasali rito sa Soldier’s Heart, sobrang big leap po talaga kasi hindi mo ini-expect na tutulungan ka niya.

“Iga-guide ka niya kasi kami (ni Nash), hindi naman kami nakapag-training sa military tulad nila ni Matteo (Guidicelli) pinaramdam niya magkakaparehas kami ng level. Wala pong pa-star effect sa loob ng kampo,” kuwento ni Elmo.

Nabanggit din ni Nash na si Matteo ang nag-training sa kanila.

“Si sir Matteo po ang nag training sa amin. Never ko pa siya na-meet at doon ko lang siya sa kampo. Sa 3 days training, siya ‘yung sa 2nd day. Sabi niya, ‘o akala ninyo porket artista kayo dapat ganito o ganyan?’ As in pinapahirapan niya po kami.”

“Tapos heto pa (sabay turo kay Elmo) ang tagal magbihis kaya habang wala pa siya, kaming lahat nakatusok ang ulo sa graba, ‘yung mga bato-bato,” kuwento ni Nash.

Hirit namin kung hindi sila napikon kay Elmo dahil cause of delay, “’yun nga po, kaya sorry ako ng sorry sa kanila,” saad ng aktor.

Mabuti na lang at gabi at umuulan kaya hindi raw mainit ang graba pero masakit sa ulo kasi matutulis.

“Nawala po kasi ‘yung pantalon ko sa tent hindi ko makita kaya natagalan ako. Kaya nga po sorry ako ng sorry sa kanila after the training. Saka napag-usapan din po namin na good thing umuulan kasi kung mainit mas lalo kaming nahirapan,”kuwento ni Elmo.

Inamin din ni Nash na nag-quit na siya at umalis na siya talaga sa training dahil hindi na niya kaya pero dahil na rin sa suporta ng mga kasamahan niya ay napabalik siya at sobrang proud siya dahil nalampasan niya ang reservist training at ito ang pinaka-challenging na nagyari sa buhay niya.

“‘Yung program po kasi na pang one month, isiniksik sa 3 days kaya ang hirap po, kaya dalawang oras lang tulog namin sa bawa’t araw po para mabuo namin ang training,” saad ni Nash.

Nakakatuwa nga ang karakter ni Nash bilang si Striker dahil matatakutin at mahilig magbenta na akma sa totoong buhay.

Abangan ang bawa’t kuwento nina Alex (Gerald), Elmer (Vin Abrenica), Benjie (Yves Flores), Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash), Phil (Jerome Ponce), at Jethro (Elmo) mamayang gabi sa A Soldier’s Heart sa ABS-CBN mula sa Star Creatives at sina Richard Somes at Albert Panaligan ang mga direktor mula sa panulat ni Jerry B. Gracio.

-REGGEE BONOAN