MALA-PELIKULA ang dating ng bagong t e l e serye ng ABS-CBN na A Soldier’s Heart na pinangungunahan nina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Yves Flores, Elmo Magalona, Carlo Aquino, at Sue Ramirez mula sa Star Creatives na idinirek nina Richard Somes at Albert Panaligan mula sa script ni Jerry B. Gracio.

Sa ginanap na screening para sa limang araw na episode ng A Soldier’s Heart sa Gateway Cinema 5 nitong Huwebes ay wala kaming narinig sa mga katabi namin kundi, “ang ganda, grabe ang ganda at ang husay ng mga artista. Grabe ang hirap ng training nila, nakakatuwa si Nash.”
Kami naman ay iritang-irita kay Vin (Elmer) kasi nga siya ‘yung kontrabida na walang ginawa kundi pahirapan ang kapatid niyang si Gerald (Alex). Napahanga kami ng aktor, ang husay niyang kontrabida.
Palakpakan to the max ang lahat ng nasa cinema 5 dahil walang lahat ng nabanggit ay ang gagaling lalo’t pawang de kalibreng artista ang mga suporta sa pangunguna nina Irma Adlawan, Ariel Rivera, Bing Davao, Nikki Valdez, Mickey Ferriols, Raymond Bagatsing, Rommel Padilla, Ketchup Eusebio at Sid Lucero.
Sabi nga ni Nikki, “grabe, parang finale na ‘yung napanood ninyo sa sobrang laki ng mga eksena.” Totoo naman din.
Pero sabi naman ni Gerald, “yung napanood ninyong hirap namin sa training, wala pa ‘yun kasi sa Philippine Army palang, abangan ninyo ‘yung nag-training kami sa Scount Ranger naman. Itong napanood ninyo, katiting palang.”
Natanong ang aktor na posibleng makatapat nila ang Descendants of the Sun sa GMA 7 na tungkol din sa giyera at ang bida ay sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
“Ah, oo nga! It’s nice because, siguro kilala niyo ako, I’m a very competitive person.
“But it just makes it even better, mas napapaganda ‘yung proyekto namin because siyempre, magiging competitive tayo sa kabila.
“But hindi naman sila ‘yung ano, ang gusto lang natin iparating, ‘yung mensahe na gusto natin, ipakita yung bayan natin. Yan ang pinaka importante sa lahat,” say ni ‘Ge.
P e r o s a a m i n g pagtatanong ay wala pang a n u n s i y o ang Kapuso network kung kai l an ang airing ng programa nila, so baka naman hindi magkatapat.
Samantala, tawang-tawa kami sa sinabi ni Gerald na sa tatlong araw nilang training, “kung ano ‘yung brief ko nu’ng pumasok ako sa training, iyon din ang suot kong lumabas pagkatapos ng 3 days, walang palitan talaga nababasa at natutuyo na rin. Tatlong araw na hindi ko nakita ang paa ko kasi naka-medyas lang.”
Nabanggit pa na sa loob ng 24 oras ay 2-3 hours lang ang tulog nila kaya talagang pagod at buwis buhay ang ginawa nila.
“Kaya sobrang laki ng respeto namin sa mga sundalo, kung may makita po kayong sundalo, kamayan ninyo sila at pasalamatan dahil sa pagtatanggol nila sa ating bayan,” sambit pa ng aktor.
Abangan ang kuwento ng A Soldier’s Heart simula bukas, Lunes pagkatapos ng Make it with You sa ABS-CBN.
-Reggee Bonoan