PUMANAW na nitong Sabado ng gabi si Dennis Garcia, co-founder ng Filipino band Hotdog, sa edad na 69.

Kinumpirma ng bunsong anak ni Garcia, si Isa, ang pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng Facebook.
“For those of you who knew my father, it grieves me to inform you all that he passed away tonight. We will keep you posted regarding the details of the wake,” post nito sa Facebook account ni Dennis.
“Our grief at his sudden passing is infinite and now so is he… Thank you for being with us through this difficult time.”
Samantala, hindi naman idinetalye ang dahilan ng pagpanaw ni Dennis.
Nakilala ang Hotdog para sa ilang biggest OPM hits tulad ng Manila, Bongga Ka ‘Day, Annie Batongbakal, at Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko.
Sa gitna ng kasikatan ng grupo noong late 1970s, gumawa pa ang Hotdog ng movie, ang Hotdog, Unang Kagat na produced ni Jesse Ejercito at financed ng kanyang brother, na si San Juan City Mayor Joseph Estrada, na kalaunan ay naging Pangulo, at lumabas din sa pelikula. Produce at release ang pelikula sa ilalim ng Crown Seven Productions Inc.
-MARJALEEN RAMOS