DALAWANG bagong mga atleta na nagkamit ng gintong medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games (SEAG) ang ipinakilala ng Chooks-to-Go bilang kanilang bagong miyembro na bibigyang suporta para sa mga preparasyon nito sa kanilang pagsabak sa mga kompetisyon.

KINILALA ng BAVI ang galing at husay ng atletang Pinoy sa pagbibigay ng insentibo kina skateboarder Jaime de Lange (kanan) at pagtalaga kina basketball star Kobe Paras at triathlon champion Nikko Huelgas bilang ambassadors sa programa ng Chook-to-Go.

KINILALA ng BAVI ang galing at husay ng atletang Pinoy sa pagbibigay ng insentibo kina skateboarder Jaime de Lange (kanan) at pagtalaga kina basketball star Kobe Paras at triathlon champion Nikko Huelgas bilang ambassadors sa programa ng Chook-to-Go.

Si Jaime de Lange na gold medalist sa downhill ng skateboarding at ang bayaning atleta na isa ring gold medalist ang surfer na si Roger Casogay ang dalawang bagong miyembro ng mga Chooks-to-Go ambassadors.

Bilang pagtanggap, pinagkalooban ng Chooks-to-Go sa pamamgitan ng CEO nito na si Ronald Macarinas ng halagang P100,000 sina de Lange at Casogay.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Ikinasiya ng skateboard athlete na si de Lange ang naturang sorpresa na ipinagkaloob sa kanya ng Chooks-to-Go.

“I wasn’t really expecting this. But I think I’m going to use this money for a good cause. I’m going to use some of it to help renovate the skatepark in Tagaytay that was hit by the ashfall from Taal Volcano eruption,” pahayag ng 24-anyos na si de Lange.

Sa panig naman ni Casogay ay hindi rin inasahan na makakuha ng atensyon ang kanyang kabayanihan sa pagsagip sa nalulunod na Indonesian na kanyang nakatunggali sa surfing competition sa nakaraang biennial meet.

“Sa mga ganoong pagkakataon ang iisipin mo na lang makapag-ligtas ng buhay kaysa makakuha ng award eh. Pero talagang malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng nagbigay ng parangal for what I have done. Ang Chooks-to-Go, of course ang PSC for all their support,” pahayag ng tubong La Union na si Casogay.

-Annie Abad