KINOMPIRMA ng Centro Escolar University ang pagkuha kay Jeff Napa bilang head coach ng CEU Scorpion.
Ayon sa team management, ang 38-anyos na si Napa ang papalit sa posisyon na binakantehan ni coach Derrick Pumaren, nagbalik sa kampo ng De La Salle Green Archers para sandigan ang senior team sa susunod na UAAP season.
Kung pagbabatayan ang career record ni Napa, hindi ito pahuhuli sa mga kasalukuyang collegiate coach sa bansa. Tatlong beses niyang napagkampeon ang NU Juniors Basketball (2011, 2013 and 2015) at bahagi ng 2019 Letran Knights champion team. Bahagi siya ng NU Bulldogs sa UAAP Men’s seniors (1997 to 2005).
Mapapalaban si Napa sa laro ng Scorpions sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) sa January 24. Sa February, sasabak ang CEU sa 2020 PBA D-League Aspirants Cup.
Magsisilbi namang general manager ng CEU si Jefferson Plaza