FUNNY, heartwarming and sweet ang Mia na mula sa script, co-writer si Jinky Laurel, at direksiyon ni Veronica Velasco.Bida si Coleen Garcia na gumaganap bilang young doctor na naging lasengga, si Mia Salazar at nerdy forester naman si Edgar Allan “EA” Guzman bilang si Jay Policarpio.

coleen at edgar

Natutong uminom si Mia nang mamatay ang fiance, cameo role si Billy Crawford, na katatapos lang mag-propose sa kanya sa rooftop. Ito ang opening scene, itatabi lang sana ng boyfriend ang bromiliad plant na pabiro nitong iniregalo sa kanya bago nag-alok ng kasal. Hayun, may bahagi pala ng rooftop na walang barandilya, nahulog ito.

Next scene, naalimpungatan sa kama si Mia sa panaginip na nahuhulog din siya. Napakaseksi sa eksenang ito ni Coleen, ang pinakaseksi na yatang kuha sa kanya sa pelikula.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At napakaganda rin. Sa katunayan, ito ang pinakamagandang pelikulang nagawa niya, sa istorya, sa cinematography at maging sa sustansiya o content.

Anyway, nasa gilid ng kama si Jay. Nagtaka si Mia kung bakit may kasama siyang lalaki. Tinanong pa niya kung ano ang pangalan nito. At saka lang unti-unting maipapaliwanag kung bakit sila magkasama sa iisang silid.Nawawala sa sarili si Mia kapag lango sa alak.

Masuwerte siya na mabuting tao ang nakasagip sa kanya.Bukambibig ni Jay sa pelikula ang Chinese proverb na, “He who saves a life is forever responsible for it.”

Tila ito ang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na dapat na niyang pabayaan o iwanan si Mia, pero inuunawa pa rin niya.

Nakakatawa ang mga rebelasyon sa malinis at makinis ang script ng pelikula.In a nutshell, nag-gatecrash si Mia sa beach wedding ng kapatid ni Jay at nalasing. Bumangka at naging life of the party. Pero nagtangkang magpakalunod sa dagat. Iniligtas siya ni Jay. Paliwanag kung bakit naka-panty at bra lang si Mia sa unang eksena nila na magkasama.Geek o nerd si Jay, na nagampanan nang buong husay ni EA.

Busy ang utak niya sa sariling mundo, kaya medyo atrasado ang pick-up, tulad na lang sa “Bru” na tawag sa bromiliad na laging kausap ng doktora. Tadtad ang dialogues nilang dalawa ng geek speak ni EA na parang nagsu-surf lang sa Google si Mia.

Nakakatuwa ang character development nilang dalawa na bagamat hindi madalian ay mariin namang naipakilala. Tiyak na maraming tomador at nerd na millennials ang makaka-relate kina Coleen at EA.So far, ito ang pinakamagandang pelikulang nagawa nila.

Hindi na namin idedetalye ang buong kuwento para mag-enjoy nang husto ang mga manonood sa smart na pagkakasulat ng script at pagkakadirihe.

May ilang parte ng Mia na parang lumalaylay dahil sa mahahabang geek speak. Ipinapaliwanag ni Jay ang maraming isyu sa environment at climate change. Pero huwag ninyong iiwanan. May big surprise at very touching na ending ito.

Tiyak na matatagalan bago makalimutan ng manonood ang character nina Coleen at EA dito bilang Mia at Jay. May mga kaibigan o kakilala tayong tulad nila.

Showing na ang Mia na kinunan sa Palawan, produced ng Insight 360 Films ni Chris Cahilig at distributed ng Viva Films.

-DINDO M. BALARES