DAGDAG benepisyo sa lahat ng professional sports ang sentro ng programa sa bagong taon ng Games and Amusement Board (GAB) sa layuning mas mapaangat ang career at kabuhayan ng atleta, kabilang ang mga retiradong boksingero.

NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) ang ilang isyu na kinakaharap ng ahensiya sa bagong taon, habang matamang nakikinig (mula sa kanan) sina dating two-division world champion Luisito Espinosa, Erbito Salavaria at TOPS president Ed Andaya sa ginanap na TOPS ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club.

NILINAW ni Games and Amusement Board (GAB) ang ilang isyu na kinakaharap ng ahensiya sa bagong taon, habang matamang nakikinig (mula sa kanan) sina dating two-division world champion Luisito Espinosa, Erbito Salavaria at TOPS president Ed Andaya sa ginanap na TOPS ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club.

At kabilang dyan ang maalamat na sina Erbito C. Salavaria at Luisito ‘Lindol’ Espinosa.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ginagawa ng ahensiya ang lahat upang mas mapangalagaan at mabigyan ng seguridad ang mga atleta sa kanilang paghahanda, habang lumalaban at matapos ang career.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Sa ngayon po ay nakikipag-usap na an gating butihing Commissioner na si Ed Trinidad sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines para sa libreng dental program ng ating mga atleta sa lahat ng AFP camp and hospital sa buong Pilipinas,” pahayag ni Mitra sa kanyang pagbisita sa TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Alam naman po natin na very active ang AFP sa community services, kaya bakanaman puwedeng maisama na rin natin ang ating mga atleta dito. Napakahalaga po ng dental services para sa kanila lalo na boxing at iba pang contact sports,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.

Ikinalugod ni Brigo Sandig, ipinapalagay na isa sa pinakaagresibong boxing promoter sa kasalukuyan (Highland Boxing Promotions), ang pinakabagong programa ng GAB.

“Mula po nang magsimula si Chairman Baham sa GAB, talaga pong mas maraming manager at promoters ang naging aktibo. Yung libreng medical po at talagang malaking tulong sa amin.

Isipin po ninyo na gumagastos ang manager ng hindi bababa sa P5,000 noon kada boxers para sa medical expenses nito,” pahayag ni Sandig, isa sa agarang tumugon sa pakiusap ng GAB na punan ang walong bakanteng Philippine title.

Nangako rin ng ayuda si Mitra kay Espinosa, dating two division champion (bantamweight at featherweight),upang makuha ang prized purse (US$150,000) sa kanyang laban may ilang dekada na ang nakalilipas sa South Cotabato.

“Hinihingi po natin ang kopya ng kontrata niya (Espinosa) at hihingi tayo ng tulong sa ating lawyer para mapag-aralan ito at baka naman po makuha pa natin yung premyo na,” sambit ni Mitra.

Kasama ni Espinosa, nakabase na sa China kung saan nagtatrabaho siya bilang boxing trainer, si Salavaria, dating WBC flyweight champion para makuha ang insentibong kaloob ng Thai promoter na si Singwungha sa lahat ng mga dating Pinoy world champion.

Sa gabay din ng GAB, nabigyan ang 73-anyos na si Salavarria ng US$10,000 financial assistance ng World Boxing Council Jose Sulaiman Boxers Fund.

“Nagpapasalamat po ako sa patuloy na pagtulong ng GAB at ni Chairman Mitra sa aming mga retiradong boksingero,” pahayag ni Salavaria.

-EDWIN ROLLON