Tinaya ng Climate Change Commission (CCC) na malaki ang itataas ng greenhouse gas (GHG) emissions mula sa transport sector dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon ng bansa at paglawak ng ekonomiya.

“Based on the latest GHG inventory, the transport sector remains the third largest contributor of our country’s GHG emissions, next to the energy and agriculture sectors,” wika ni CCC Commissioner Rachel Anne Herrera.

“The most significant contributor of GHGs in transport is the road sector. Although utility vehicles and trucks constitute a minority of the projected vehicle fleet, their average usage is high, resulting in an outsized share of vehicle activity,” paliwanag niya.

Sa idinaos na Low Carbon Transport Forum na inorganisa ng Department of Transportation (DOTr) at ng United Nations Development Programme (UNDP)-Philippines nitong Enero 7, sinabi ni Herrera na ang pagsama ng climate smart at low carbon perspectives sa national at local transportation plans ay mahalaga sa mga pagsisikap ng bansa na maiwasan ang tumataas na antas ng GHG emissions na patuloy na nagtutulak ng climate crisis.

Binanggit niya na ang local governments ng Baguio City, Sta. Rosa City, at Iloilo City ay nangakong pagbubutihin ang kalidad ng buhay ng kanilang mga kababayan sa paglilipat sa climate-friendly at sustainable transport system.

Nagpahayag din siya ng kasiyahan para sa ibang clean transport initiatives, gaya ng e-Sakay at Star8, na ang mga operasyon ay nagsisimula nang kumita.

Nagpapasalamat din si Herrera para sa partnership ng CCC sa DOTr, binanggit na itinaas ng department ang sukatan bilang unang nagpanukala ng climate actions at nagsumite ng mga kontribusyon para sa nationally determined contributions (NDC) ng bansa upang makatulong na matamo ang Paris Agreement na nililimitahan ang pagtaas ng temperatura ng mundo sa below two degrees at hanggang sa umabot sa 1.5 degrees Celsius.

Nang nilagdaan ang Paris Agreement, isang international framework para sa pagbawas ng greenhouse gas emissions, noong 2015, nagkasundo ang mga nasyon na palakasin ang ambisyon ng kanilang national climate commitments—na kilala bilang NDCs—kada limang taon.

Ngayong taon, ang mga nasyon ay inatasan na bilisan ang mga aksiyon at patatagin ang kanilang national commitments sa bilis na makakasabay sa climate challenge.

“With the climate crisis in full swing, Earth has seemingly reached a tipping point. We could only hope that these tragic events would be the final push for governments and decision-makers across the globe to respond and act with a greater sense of urgency to transition from fossil fuel-based towards low carbon systems and economies,” ani Herrera.

-Ellalyn De Vera-Ruiz