MABABASA ang pasasalamat sa Twitter ni Sen. Richard Gordon sa fans ni Sarah Geronimo para sa charity drive na gagawin ng fans ng singer-actress upang makatulong sa mga biktima sa pagputok ng Taal volcano.

Sarah G.

Tweet ni Sen. Gordon na chairman din ng Philippine Red Cross: “Thank you, @popsters25 for this initiative and choosing the Philippine Red Cross as your partner in helping the communities affected by #TaalEruption2020 #TeamSarah #popsters #teamgoodness.”

Ang tinutukoy ni Sen. Gordon na charity event na gagawin ng supporters ni Sarah Geronimo ay ang Tala Para sa Taal, isang Dance Flash Mob for a Cause. Gagawin ito sa Luneta Park sa January 18, 1pm. Pinayuhan ang magpa-participate na magsuot ng pink shirt at ang registration fee na P100.000 ang magsisilbing donation nila para sa charity drive at ido-donate sa Philippine Red Cross.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Ang tawag sa charity event na Tala Para sa Taal ay galing sa viral dance craze na Tala na pinauso ni Sarah. Nakakatuwa na pagkatapos i-announce sa Facebook ang charity drive ay marami agad ang nagpahayag ng interest na sumali para na rin makatulong.

-NITZ MIRALLES