TAMPOK na panauhin sa pagbabalik ng TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Inaasahang ilalahad ng dating Palawan Governor at Congressman ang nakalinyang programa para sa mga atleta na nasa pangangasiwa ng tanging professional sports agency sa bansa sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Panauhin din sa talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, ang mga opisyal at organizers ng MDC3X3, sa pangunguna nina Maricel Diaz Clemente at coach Goy Bagares.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at dumalo sa programa.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032