PLANO ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na samahan ng PBA players ang line-up ng Philippine Team na isasabak sa 2020 Fiba 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa India sa Marso.
Ayon kay SBP president Al Panlilio, malaki ang tsansa ng koponan kung may PBA player sa line-up. Kamakailan, na-appoint si dating PBA player Ronnie Magsanoc bilang head coach ng Philippine Team Gilas 3x3.
Batay sa ipinatutupad na regulasyon ng FIBA (International Basketball Federation) dalawa lamang sa apat na players ng koponan na kabilang sa Top 10 ng bawat team ay sapat na para sa komposisyon na isasabak sa torneo.
“Obviously, the Chooks-to- Go players will be there cause they’re part of the top 100 and I’m asking Ronnie for names on who those PBA players might be. Maybe there’s some PBA players who can be part of the team,” pahayag ni Panlilio.
Isinabak ng SBP ang all- PBA player -- CJ Perez, Chris Newsome, Jason Perkins, at Mo Tautuaa – na nagwagi ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games.
Nasa listahan din ng SBP sina Mac Belo, Robert Bolick, Terrence Romeo, Chris Banchero, Ian Sangalang, Raymond Almazan, at Anthony Semerad.
Samantala, may sariling pool players ang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, ang nangungunang pribadong sektor na tumutulong sa 3x3 team at nagsagawa ng programa para makasungkit ang bansa ng QQT berth.
Nasa listahan ng Chooks team sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol. Kasaama rin sina Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Leo De Vera, Ryan Monteclaro, at Jaypee Belencion.
Naghanda ang Chooks team sa nakalipa sna dalawang buwan at nagsagawa ng training sa abroad para sa OQT na nakatakda sa March 18-22 sa New Delhi, India. Mapapalaban ang Pinoy sa Pool C kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.
Kailangan ng PH Chooks 3x3 team na makapuwesto sa Top 2 sa group elimination upang makausad sa quarterfinals. Tatlong koponan lamang sa naturang torneo ang makakapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
-Marivic Awitan