IPINATIKIM ng Singapore Slingers ang ikatlong sunod na kabiguan sa San Miguel-Alab Pilipinas, 64-85, sa pagpapatuloy ng Season 10 Asean Basketball League (ABL) nitong weekend sa OCBC Arena sa Singapore.
Ang 19-point na kabiguan ang kanilang ikalawang double-digit na talo, ang pinakamalaki ay 35 puntos (76-111) sa mga kamay ng Mono Vampire sa unang araw ng 10th season noong Nobyembre 17, 2019.
Sa unang yugto pa la¬mang, malamig na ang mga kamay ng Pilipino team kaya naiwanan agad sila, 17-22, tungo sa kanilang ikatlong talo sa walong laro.
Dahil sa talo bumaba ang tropa ni head coach Jimmy Alapag sa pang-apat na puwesto (5-3) sa likuran ng solo leader Mono Vampire Thailand (6-2), Kuala Lumpur Dragons (4-2) at Taipei Fubon Braves (4-8).
Tanging ang Maltese 7’5 import na si Sam Deguara lamang ang nagtala ng double-digits sa Alab Pilipinas sa kanyang 14 puntos, siyam na rebounds at isang block.
Nagposte naman ng tig-siyam na puntos sina Jeremiah Gray at Nick King.
Inaasahan ni Alapag na agad makabangon ang kanyang tropa sa susunod na laban kontra sa Hong Kong Eastern Lions sa Enero 23 sa Southorn Stadium ng Wanchai, Hong Kong.