SA taong ito magiging palaban ng husto ang pambansang koponan sa pagtulak ng 44th World Chess Olympiad sa Moscow, Russia mula Agosto 5 haggang 18, 2020.

NAGHAHANDA na si US based Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla sa kanyang pagsabak sa 44th World Chess Olympiad sa Moscow, Russia mula Agosto 5-18, 2020.

NAGHAHANDA na si US based Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla sa kanyang pagsabak sa 44th World Chess Olympiad sa Moscow, Russia mula Agosto 5-18, 2020.

Nakakatiyak na sa Pambansang koponan sina US based Grandmaster (GM) Rogelio “Banjo” Barcenilla at International Master (IM) Paulo Bersamina matapos makopo ang dalawa sa limang slots sa pinakamalaking pandaigdigang torneo ng World Chess Federation (FIDE) sa taong ito.Tatlong slots na lamang ang nalalabi.

Si Barcenilla na two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania ang nagkampeon sa 2019 Philippines National Chess Championship na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE), 2nd floor, No. 56 Mindanao Avenue, Project 6 , Quezon City nitong Nobyembre 26 sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa magiting na pamumuno ni Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Pitong (7.0) puntos ang itinala ni Barcenilla, isang puntos ang kalamangan kina IM Bersamina at Grandmaster (GM) John Paul Gomez na may tig 6.0 na puntos. Nakamit ni IM Bersamina ang ika-2 puwesto na may mas mataas na tie break points sa nag ika-3 puwesto na si GM Gomez.

Malaking posibilidad na mapasama si US based Grandmaster (GM) Julio Catalino “Ino” Sadorra sa pambansang koponan sa pagkopo ng elo rating na 2564, No.1 Filipino player sa FIDE rating list sa Philippines roster.

Habang aktibong manlalaro na nakabase sa Pilipinas ay sina Asia’s First grandmaster (GM) Eugene Torre, 13-times Philippine Open champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr., GM Darwin Laylo at GM Gomez.

Habang nasa Estados Unidos naman sina Grandmaster (GM) Mark Paragua at Grandmaster (GM) Oliver Barbosa.