NAKAKATUWA na ginagamit ng mga celebrities ang kani-kanyang socmed account sa pagpapalaganap ng mga advisory on what to do during volcanic eruption, during ash fall, after ash fall. Pinaaalala rin nila na ‘wag kalilimutan ang mga alagang pets, ‘wag iiwan dahil may karapatan din silang mabuhay.

Si Dingdong Dantes sa naka-witness sa pagputok ng Taal Volcano dahil nasa Tagaytay siya at mga kaibigan na members yata ng motorcycle riding club, kaya mabilis siyang nakapag-post ng photo ng eruption ng volcano.
Sinulat ni Dingdong na nasa Indang, Cavite sila na 7kms from Tagaytay Road, kaya may mga nagpaalala sa aktor to keep safe na ginagawa naman nito at mga kaibigan kapag nagra-ride sila ng motorsiklo.
Speaking of Dingdong, nagkita-kita na naman sila nina Derek Ramsay at Piolo Pascual sa launching ng first “360 design” store ng Dunkin na kanilang pinu-promote. Sa launching, natanong ang tatlo ng mga bago nilang project na aabangan ng kanilang fans.
Si Dingdong, ang airing ng Descendants of the Sun ang binanggit na malapit na yatang mapanood. Sunud-sunod na ang pagpapalabas ng GMA-7 sa trailer nito, mga eksena nina Dingdong at Jennylyn Mercado, kaya lalong nasasabik ang Kapuso viewers.
-NITZ MIRALLES