IKINAGULAT nang lahat nang masulat na may warrant of arrest ang singer na si Yeng Constantino para sa kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya ni Dr. Esterlina Tan, isa sa gumamot sa asawa niyang si Yan Asuncion nang maaksidente sa Siargao island, Surigao del Norte noong Hulyo 19, 2019.

Yeng

Matatandaang pinost ni Yeng sa kanyang Instagram account ang doktor at staff ng isang ospital sa Siargao na hindi pagbibigay ng sapat na atensiyon nang dalhin niya ang asawa matapos maaksidente sa cliff diving sa Siargao kung saan nagkaroon ng temporary memory loss si Yan.

Bugso ng damdamin bilang asawa at walang kakilala sa Siargao si Yeng kaya niya nagawang mag-post, pero sa kalaunan ay humingi siya ng public apology kay doktora Tan at sa mga taga-Siargao at binura ang post sa IG.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Pero bago nangyari ay nakatikim ang mang-aawit ng katakut-takot na bash mula sa mga taga-Siargao.

Halos anim na buwan na ang nakalipas kaya’t hindi inakalang nagsampa pala ng reklamo si Dra. Esterlina Tan.

Tinext namin ang legal counsel ni Yeng na si Atty. Joji V. Alonso nitong Biyernes nang umaga, “I’m still in court, mamaya Reg.”

Mag-a-alas tres na ng hapon ng magpadala sa amin si Atty. Joji ng official statement kaya’t hindi na namin naihabol dito sa Balita.

Anyway, ang warrant of arrest ay inisyu pa noong Dec. 12, 2019 at natanggap lang ng Caraga Police Office ang dokumento nito lang Biyernes. Sabi ni atty. Joji, “Our client Ms Yeng Constantino- Asuncion, has posted bail and an Order approving the same has just been signed.”

Ayon pa sa legal counsel ng mang-aawit, “We reiterate that our client has yet to receive a copy of the complaint filed before the Provincial Prosecutor’s Office of Surigao del Norte, for the alleged violation of Sec 4 (c) (4) of RA 10175 in relation to Article 355 of the Revised Penal Code or ‘cyber libel. We shall be addressing the charges in the coming days.”

-REGGEE BONOAN