OKLAHOMA CITY (AP) — Wala si LeBron James. Ipinahinga si Anthony Davis. Walang problema sa umaaribang Los Angeles Lakers.

PINAGBIDAHAN ni Kyle Kuzma ang impresibong panalo ng Lakers laban sa Thunder. (AP)

PINAGBIDAHAN ni Kyle Kuzma ang impresibong panalo ng Lakers laban sa Thunder. (AP)

Pinunan ni Kyle Kuzma ang pagka-sideline ng dalawang premyadong teammate sa naiskor na season-high 36 puntos para sandigan ang Lakers kontra Oklahoma City Thunder, 125-110, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, may dinaramang ‘chest cold’ si James – tangan ang averaged 25.4 puntos ngayong season, league-leading 10.7 assist at 8.7 rebound – para pangunahan ang Lakers sa best record sa Western Conference. Dalawang laro nang hindi sumasabak si Davis, nangunguna sa Lakers na may 27.1 puntosm bunsod ng ‘gluteus maximus contusion’.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi na mahalaga ito sa Lakers – sa kasalukuyan – higit at nasa kondisyon si Kuzma, sa kanyang ikatlong laro bilang starter ngayong season, ay kumana ng 15 of 24 shots. Nag-ambag si Rajon Rondo ng 21 puntos, 12 rebounds at walong assists para sa Lakers.

Nanguna sina Shai Gilgeous-Alexander at Danilo Gallinari sa Thunder sa naiskor na tig-24 puntos.

ROCKETS 139, TIMBERWOLVES 109

Sa Houston, hataw si James Harden sa naiskor na 32 puntos sa loob ng tatlong quarters para lagpasan ang 20,000 career-point, sa panalo ng Rockets sa Minnesota Timberwolves.

Umabante ang Houston sa double figures sa kabuuan ng laro at umarangkada sa third period para tuluyang iwana ang karibal at makabawi muka sa nakadidismayang kabiguan sa Oklahoma City nitong Huwebes.

Tinanghal si Harden na ika-45 player sa kasaysayan ng NBA na umabot sa 20,000 points milestones at sae dad na 30, ang ikapito sa pinakabatang players. Nagsimula ang laro na kailangan lamang niyang umsikor ng 10 puntos para sa record.

Nanguna si Josh Okogie sa Minnesota na may 16 puntos, habang nanatiling injury si Karl-Anthony Towns.

MAVERICKS 109, 76ERS 91

Sa Dallas, kumana si Luka Doncic ng 19 puntos at 12 assists, habang tumipa si Dwight Powell ng 19 puntos sa panalo ng Mavericks kontra Philadelphia.

Naikasa ni Powell ang 5 of 6 sa field at ikaapat ngayong season na humugot ng 12 o higit pang rebounds.

Nag-ambag si Tobias Harris ng 20 puntos at 10 rebounds para sa Dallas, sumabak sa ikapitong sunod na laro na wala si big man Kristaps Porzingis. Ang 7-foot-3 Latvian ay nagtamo ng injury sa kanang tuhod s alaro laban sa New York Knicks.

CELTICS 140, PELICANS 105

Sa Boston, naisalpak ni Jayson Tatum ang anim na three-pointers para sa career-high 41 puntos at tuldukan ang three-game losing skid ng Boston.

Kumasa rin si Enes Kanter na may 22 puntos at umiskor si Gordon Hayward ng 19, at tumipa si Kemba Walker ng 17 puntos at pitong Assist.

Nanguna si Frank Jackson sa New Orleans na may 22 puntos.

CAVALIERS 113, NUGGETS 103

Sa Denver, ginapi ng Cavaliers, sa pangunguna ni Kevin Love na may 19 puntos at 15 rebounds , sa Nuggets.

Tumapos Collin Sexton na may 25 puntois at kumana si Tristan Thompson ng 18 puntos at 13 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Clevela. Naghabol ang Nuggets sa 17 puntos at sa pangunguna nina Jamal Murray namay 24 puntos at Nikola Jokic na may 19 puntos, nagawang makadikit sa final period.

Sa iba pang laro, ginapi ng Milwaukee ang Portland, 122-101; tinuldukan ng Chicago ang six-game losing streak sa panalo kontra Detroit Pistons, 108-99.