NGAYONG araw, magsisimula ang limang araw na joint military exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Coast Guard ng China para sa search and rescue, fire fighting, at marine and environment protection at operasyon sa PCG sa Maynila.
Ang joint exercise kasama ng Chinese People’s Armed Police Force Coast Guard vessel 5204 ay ang pinakabago sa isang serye na inilunsad matapos lagdaan nina Pangulong Duterte at China President Xi ang nasa 13 kasunduan noong 2016 nang bumisita si Pangulong Duterte sa Beijing. Kabilang sa mga kasunduang ito ay may kinalaman sa economy and trade, investments, industrial development, agriculture, media, quality inspection, tourism, drug control, finance, infrastructure, at coast guard operation.
Pangunahing tungkulin ng coast guard ang magsagawa ng search and rescue mission, siguruhin ang kaligtasan ng mga manlalayag at ang kanilang mga sasakyan, kasama ng pagpapatupad ng maritime law, border control, at pagpapanatili ng mga navigational marks. Nakikipag-ugnayan din ang national coast guards sa kalapit na puwersa sa mga gawaing ito, na nagpapatuloy ang pag-unlad, na mahalaga, sa tumataas na pagbabago sa regional at international commerce.
Noong 2017, humingi ang Pilipinas ng tulong sa United States at China para sa pagbabantay ng Sibutu Passage na naghihiwalay sa Sulu archipelago sa Borneo mula sa mga Islamic militant na nagbabantang sakupin ang ilang bahagi ng mga isla sa katimugan upang gawing lugar ng mga pirata na tulad sa Somalia.
Bahagi ngayon ng programa ng Philippine Coast Guard ang pagbili ng bagong mga sasakyang-pandagat ngunit mangangailangan pa ito ng mahabang panahon bago makumpleto, kaya naman nakikipag-ugnayan ito sa mga kalapit na puwersa, tulad noong 2016 kung saan dalawang Pilipino magsasaka ang iniligtas matapos tangayin ng malalakas na alon sa bahagi ng Scarborough Shoal. Noong Hulyo 2019, dumalo ang Pilipinas sa pulong ng China-Vietnam Coast Guards sa Hangzhou, China, hinggil sa maritime enforcement at security.
Sa kasalukuyan, may ilang tiyak na bahagi ng South China Sea ang pinag-aagawan na nagbabanta rin ng pagtaas ng problema ng pamimirata, kasama ng karaniwan nang aksidente sa dagat, na nanawagan ng kooperasyon at koordinasyon ng iba’t ibang coastal forces.
Makatutulong ang joint exercise sa pagitan ng Pilipinas at China Coast Guards ngayong linggo para sa pagpapaunlad ng mas mahigpit na koordinasyon na tutulong upang masiguro ang kaligtasan, seguridad at produktibidad sa ating mga dagat, na magpapataas din sa kumpiyansa ng ating mga manlalayag, sa kalakalan, at sa ating pambansang ekonomiya.