NAG-APUHAP ng sasabihin si Julia Barretto nang tanungin kung kumusta na ang working relationship nila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia na habang sinu-shoot ang pelikulang Block Z ay naghiwalay sila at maraming araw silang magsasama dahil sa promo at mall shows ng pelikula nilang mapapanood na sa Enero 29 handog ng Star Cinema.
Si Joshua muna ang sumagot sa tanong pero tumingin muna kay Julia, “okay naman kami, okay kami and…okay kami. Actually, nu’ng nakita ko siya ito personally, parang na-miss ko din siya (sabi ng lahat, aww). Siyempre ang tagal naming hindi nagkasama, na-busy siya, na-busy ako.”
Si Julia naman ay tipid na tipid ang ngiti, “we’re okay, thanks for asking. That’s one of the things na I’m so grateful ‘coz we’re able to really protect and make sure that the friendship will remain.”
At tila nautal na sabi ng aktres bukod sa hindi nito pagbanggit ng pangalan ng aktor. “And tama si…tama siya and when I first saw him, I feel also (kibit balikat), it felt familiar kung baga…parang… it’s a familiar place, it’s a accountable place, safe place.”
Challenging sa lahat ng cast na sina JoshLia, McCoy De Leon, Maris Racal, Yves Flores, Ina Raymundo, Ian Veneracion at Dimples Romana ang pelikulang Block Z dahil wala silang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo kaya naman bago sila magsimulang mag-shoot ay katakot-takot na rehearsal ang ginagawa nila bukod pa san age-exercise sila pagdating sa location.
Kuwento ni Direk Mikhail Red, “ang dami talagang action scenes, siyempre sa first part, chill palang. Usually pag daytime, sinu-shoot namin ‘yung mga classroom. Tapos pag pahapon na, pa sundown puro attack na, pag gabi mga steel scenes kasi ang dami ng namatay. Maganda kasi meron kang barkada movie, action sa gitna and then sa gabi, stele and then may finale so kumpleto.”
Grabe ang energy ng buong cast kapag action at sabay-sabay nilang sinabi sa, “salamat sa kape.” to ang nagpapagising sa kanila para tumaas ang adrenaline rush o physical feeling of intense excitement na tinatawag.
Walang binanggit kung may namatay sa cast maliban kay Ina na simula palang ay zombie na dahil infected siya at nanay siya ni Julia.
Natanong naman ang lahat kung sakaling may zombie outbreak ay sino ang ililigtas nila.
Unang sumagot si Joshua, “ako si Kuya Kim (Atienza) para safe ako kasi marami siyang alam (nagkatawanan ang lahat).”
Say ni Maris, “ako ise-save ko talaga si Tulfo (Raffy) feeling ko safe ako pag nandiyan siya.”
Si McCoy, “baka meron itong agimat (leather jacket), si kuya Cardo (Coco Martin).”
“KUya Willie (REvillame),” ang sagot ni Yves dahil, “para may jacket ako.”
Sabi naman ni Ian, “ako si Yorme para masaya.”
“Ako siguro si direk Mikh na ang ise-save ko para pag nagpunta siya ng Hollywood, sasama niya kami. Direk ako bahala sa ‘yo, tandaan mo sa aming lahat ako lang may baril (shotgun) dito,” natatawang sabi ni Dimples.
Si Julia, “si tita Malou (Santos) para kasama pa rin tayo sa next movie, ay may give away.”
Ayon naman kay Ina, “si Julia kasi parang baby ko na siya kaya siya ang ise-save ko.”
At si direk Mikhail, “sina tita Malou (Santos) at Ma’am Charo (Santos) para may next project ako.”
-Reggee Bonoan