NASULAT namin dito sa Balita noong Enero 3 na si Jodi Sta. Maria ang nag-produce ng sarili niyang digital series sa iWant na My Single Lady na mapapanood na sa Enero 22.

single lady

Kaya sa mediacon ng My Single Lady ay natanong siya kung anong klase siyang producer.

Ang direktor niyang si Carlo Enciso Catu ang sumagot na sobrang generous ni Jodi dahil lagi siyang nagpapa-milk tea at bumabaha ng pagkain lagi sa set at kapag meetings ay ganu’n din.

Tsika at Intriga

Zoren Legaspi, Carmina Villarroel iniintrigang hiwalay na!

“I want to take this opportunity kasi she really work hard as a producer, nu’ng nagrerevise kami ng script ang dami niyang inputs, well ang dami rin niyang pa-milk tea but aside from that may mga araw na sasabihin niya kung puwede siyang tumawag sa akin.

“’Yun pala mangungumusta kung ano ‘yung mga naging problem sa (set), ‘are you okay? You want to reshoot?’ Ganu’n klase siyang producer na para sa akin as filmmaker na ang sarap-sarap magkaroon ng ganu’n producer na alam mong naka-back up sa ‘yo kung ano ang kailangan mo.

“Tapos may mga times din na dumidiretso ako sa kanya as producer na may mga ganito o ganyan, tapos maghahanap siya ng solusyon for that kaya nakakatuwa na nagampanan niya pareho ang role niya (artista at producer), napakahusay niya,”masayang kuwento ni direk Carlo.

Tinanong naman namin kung hindi tumawad si Jodi sa talent fees nina Ian Veneracion at Zanjoe Marudo dahil alam naming mahal ang dalawang prime actors ng ABS-CBN.

Nagbiro si Jodi kay Ian, “hindi ba kayo tinawaran (talent coordinator), ha, ha joke lang.”

Masayang sabi ng aktor, “actually hinihintay ko na tatawaran ako. Nu’ng sinabi sa aking may project (with Jodi), sabi ko sige iiwasan ko muna baka tawaran ako. Hindi naman tumawad, nu’ng tumawag nga siya sa akin, sabi niya, ‘Papa I, okay ka na ba do’n sa (talent fee), sabi ko, okay ako. Tapos hinihintay kong tumawad, aba wala, wala talaga kahit ano, very professional.”

Sabay turo kay Zanjoe kung tinawaran siya, “may talent fee ba ito? May tf? Kaya pala maraming milk tea at pagkain,” tumatawang sagot ni Z.

Paliwanag ni Jodi kung bakit hindi niya tumawad, “Ayoko namang isipin nila na ‘uy, sobrang pine-friendship mo naman kami dito and kasi, nanggagaling din ako sa pagiging aktor na kung anuman ‘yung TF na meron sila ngayon, pinaghirapan nila ‘yun. Ilang taon nilang pinagtrabahuhan ‘yun para umabot sila sa ganu’n, ‘di ba?”

Panalangin ni Jodi n asana mag-click ang My Single Lady para magkaroon ng Season 2 ang 6 part ng series at isa rin sa dahilan kung bakit siya nag-produce ay para mabigyan din ng mga trabaho ang mga hindi regular.

At higit sa lahat, gusto rin niyang matuto ng iba pa bukod sa pagiging artista niya. Katuwang ni Jodi sa pagpo-produce ang Dreamscape Digital, B617 at ang sarili niyang Jodi Sta. Maria production. Kasama rin sa cast sina Brenda Mage, Iyah Mina, Vitex Paguiringan at Carla Martinez.

-REGGEE BONOAN