SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes sa mga magsasaka ng Region 12 (Soccsksargen) at iba pang bahagi ng bansa na iiimplementa ng administrasyon ang “after delivery services” sa mga magsasakang benepisyaryo bilang bahagi ng tulong ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.

“The problem with the previous administration was they just extended help to farmers and nothing else; no monitoring, no help after, no after delivery services. That is why the agriculture sector failed to take off,” pahayag ng Pangulo bilang bahagi ng kanyang talumpati.

Tumanggap ang mga organisasyon ng magsasaka sa bahagi ng Soccsksargen region ng P58 million halaga ng tulong pang-agrikultura sa idinaos na turnover ceremonies na pinangunahan ng Pangulo, katuwang si Agriculture Secretary William Dar.

Inihalintulad pa ng Pangulo ang agrikultura ng bansa sa isang eroplano na matagal nang nasa runway ngunit hindi pa nakalilipad.

“You know why: that is because of corruption,”aniya. “The farmers were left of their own, the equipment have short lifetime, the equipment could no longer be used because of low quality.”

Nakatanggap naman ang mga magsasaka ng Sultan Kudarat ng pinakamalaking bahagi naP58 million tulong kasama ng P19.4 million para sa pre- at post-harvest equipment at mga pataba, sinusundan ito ng North Cotabato na tumanggap ng P16.8 million, habang ang South Cotabato ay nakatanggap ng P11.7 million, at Sarangani na may P10.1 million halaga ng iba’t ibang tulong pang-agrikultura.

Sa ceremonial turn-over, sinabi ni Department of Agriculture-Region 12 Executive Director Mila Casis na naipagahagi ng Pangulo ang nasa anim na unit ng apat na four- wheel drive mini-tractors, limang rice combine harvesters, at 27 hand tractors.

Samantala, nakatakda sanang mamahagi ang Pangulo ng farm assistance noong November 16, 2019 sa “Pulong-Pulong” para sa mga magsasaka ng Region 12, ngunit hindi ito nakadalo.

Sa halip, sina Dar at Mindanao Development Authority Chairman Emmanuel Piñol ang nakipagpulong sa mga magsasaka bilang kinatawan ng Pangulo sa nasabing pagtitipon.

Humingi naman ang pangulo ng paumanhin sa hindi niya pagsipot noong Nobyembre, dahil, aniya, sa ilang problema na kailangan niyang tugunan, tulad ng isyu sa tubig ng Maynila.

Aniya, iniutos niya kay Dar ang pagsisiguro na maibibigay ang “after services” sa mga magsasaka upang mapanatili ang agricultural intervention.

Aniya, ipahihinto muna ang importasyon ng bigas kapag nagsimula na ang panahon ng anihan upang masimulan na ng pagbili ng pamahalaan sa mga ani ng magsasakang Pilipino.

PNA