IKALAWANG sunod na panalo na magpapanatili sa kanilang maagang pamumuno ang tatargetin ng defending women’s champion Arellano University at ng College of St. Benilde sa muli nilang pagsabak ngayong hapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ginapi ng Lady Chiefs sa isang dikdikang straight sets ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 27-25, 25-20, 25-20 para sa una nilang panalo sa opening noong Sabado.

Namayani naman ang Lady Blazers kontra University of Perpetual Help Lady Altas, 25-17, 14-25, 25-17, 25-20 sa isa pang women’s match.

Dahil sa tinatawag na opening day jitters, hindi naipakita ng Lady Chiefs ang inaasahan sa kanilang laro ayon na rin kay coach Obet Javier.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Kaya naman umaasa silang makakabawi ngayon sa pagtutuos nila ng Emilio Aguinaldo College Lady Generals ganap na 12:00 ng tanghali.

Kasunod nito ang tapatan ng Lady Blazers at ng Mapua Lady Cardinals ganap na 2:00 ng hapon.

Kapwa naman maghahangad ang EAC at Mapua na sasalang sa unang pagkakataon.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:30 am Arellano vs. EAC (J/M/W)

2:00 pm St.Benilde vs. Mapua (W/M/J)