NAGWAGI ang Adamson at University of Santo Tomas sa makasaysayang simula ng UAAP High School Girls’ Basketball competition nitong Sabado sa Paco Arena.

INIWAN ni Crisnalyn Padilla ng Adamson ang depensa ng Ateneo sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP.

INIWAN ni Crisnalyn Padilla ng Adamson ang depensa ng Ateneo sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP.

Ginapi ng Junior Tigresses ang paboritong De La Salle Zobel, 63-45, sa main game ng double-header para sa pormal na pagsisimula ng torneo na isang demo sport sa Season 82.

Nanguna si Erika Danganan sa Tigresses na may 21 puntos, siyam na rebound at anim na assist.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“Nung nag-start kami, gigil kami eh,” sambit ni UST head coach Aileen Grajales. “Yung iba rito galing probinsya, so nanibago pa, gigil pa. Pero nung third quarter, nakabawi na po.”

Umarya ang UST sa pinakamalaking 26 puntos na bentahe may 9:25 sa final period.

“Paangat na yung women’s basketball so mas maganda yung ginawa ng UAAP, kasi bata pa lang nate-train na natin,” sambit ni Grajales.

Nanguna si Katelyn Cancio sa La Salle na may 11 puntos at pitong rebound, habang kumana si Achissa Maw ng pitong puntos at 12 rebound.

Tangan naman ng Lady Baby Falcons ang taguring unang UAAP girls basketball winner nang magwagi sa Lady Eaglets, 121-44.

Nagsalansan si Mia Miguel ng 24 puntos at 14 rebounds, habang kumana si Katrina Agojo ng 12 puntos at game-high 17 board.

Nalimitahan ng Lady Baby Falcons ang Ateneo sa tatlong puntos sa opening period at isang puntos sa third period tungo sa dominanteng panalo.

Tanging si Andrea Sarmiento ang nakaiskor ng double digits sa Atenean sa naiskor na 17 puntos.

Target ng UST at Adamson na masundan ang panalo sa pakikipagtuos sa isat’usa habbang maghaharap ang La Salle at Ateneo sa Sabado.