MULING pipedal ang matagumpay na PRURide PH sa Marso 11-15 sa Clark,Pampanga.
Mahigit sa 2,500 siklista ang inaasahang sasabak sa pamosong cyling event na kamakailan lamang ay pinagkaloob ng pagkilala bilang “Best Sponsorship of Sport, Team, Athlete, Venue or Event in the Philippines” sa 5th Sports Industry Awards (SPIA) Asia.
Kinikilala ng Union Cycliste Internationale (UCI) bilang 2.2 Stage Races, tampok ang paglahok ng 18 local at international professional teams sa open category.
Naghihintay din para sa amateur cyclists at hobbyists ang mga events na
Criterium races, Gran Fondo, Virtual Ride, Fun Cycle, at Striders Cup para sa mga bata.
Ikinalugod ng PRURide PH an gang pagkilala ng SPIA Asia na anila’y pagbibigay pugay sa kontribusyon sa programa para sa kaunlaran ng cycling sa bansa.
Bukas na pagpapatala ng lahok at sa mga interesadong makiisa,bisitahin ang https://www.pruride.ph.
May naghihintay na diskwento para sa mga ‘early-bird’ namagpapatala bago ang Enero 15. Makakatanggap ang mga mga kalahok ng PRURide PH 2020 race kit, habang lahat ng finishers ay may medalya. Mahigit P2 milyon ang inilaang premyo sa torneo.