ANGELES, PAMPANGA – Tinuldukan ng Pampanga ang pag-asa ng Nueva Ecija na makasikwat ng playoff sa matikas na 81-75 panalo nitong Huwebes sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa Angeles University Foundation Gym dito.

Nagtala si Felix Apreku, bokya sa unang tatlong quarters, ng walong puntos, tampok ang apat na free-throws sa krusyal na sandali para sandigan ang Pampanga sa dikitang labanan.

Inamin ni Pampanga head coach Bong Ramos na nagkamali siya sa play at palitan ng players na naging daan upang mahabol ng Nueva Ecija ang 42-24 bentahe sa kaagahan ng third period.

“Noong nahabol kami, it’s my fault. Kasalanan ko yon kasi mayroon akong pinagbigyan na gagawin so kasalanan ko yon, akin yon,” pahayag ni Ramos.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nagawang makadikit ng Nueva Ecija sa 61-63 bago muling umariba ang Pampanga sa 7-2 run para hilahin ang bentahe sa 70-63 at hindi na bumitaw.

Nanguna si Levi Hernandez sa Pampanga sa naitalang career-high 29 puntos, habang kumana si Michael Juico ng 26 puntos at 12 rebounds.

Sa ikalawang laro, nalusutan ng 1Bataan-Camaya Coast ang Manila- Frontrow, 77-76.

Naisalpak ni forward Chito Jaime ang go-ahead post shot para sa isang puntos na bentahe na siyangnaging winning margin may 56.8 segundo ang nalalabi sa laro.

Sa depensa, nagawang pigilan ng pambato ng Balanga, Bataan ang pagtatangka ni Aris Dionisio na maagaw ang panalo may 1.2 segundo sa laro.

Samantala, natuldukan ng Batangas-Tanduay ang three-game skid nang pabagsakin ang Iloilo United, 65-59.

Abante ang Athletics sa kabuuan ng laro bago humirit ang Royals sa krusyal na sandali tampok ang three-pointer ni Alfrancis Tamsi para sa 59-63 may 21.6 segundo ang nalalabi.

Napigilan ng Batangas ang pagtatangak nina John Mahari at Tamsi sa three-point area para makalusot sa duwelo.

Iskor:

(Unang Laro)

Pampanga (81) - Hernandez 29, Juico 26, Maiquez 8, Apreku 8, Cruz 7, Concepcion 3, Thompson 0, Acuno 0, Alberto 0, Cervantes 0, Baltazar 0, Binuya 0, Gomez 0.

Nueva Ecija (75) - Reyes 15, Sarao 13, Aquino 11, Arana 9, Martinez 8, Monte 5, Celada 5, Sabellina 5, Gonzaga 2, De Leon 2, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 19-9, 36-24, 56-50, 81-75.

(Ikalawang Laro)

1Bataan-Camaya Coast (77) - Juntilla 15, Villarias 13, Nalos 11, Llanto 10, Jaime 9, Iñigo 8, Batino 7, Jumao-as 4, Gozum 0, Cudal 0, Castro 0.

Manila-Frontrow (76) - Lastimosa 19, Dionisio 17, Dyke 11, Bitoon 8, Abrigo 7, Espinas 7, Montilla 3, Hayes 2, Tallo 2, Lee 0, Bringas 0, Arellano 0.

Quarterscores: 15-14, 41-31, 63-60, 77-76.

(Ikatlong Laro)

Batangas-Tanduay 65 - Viernes 14, Sara 10, Melano 10, Suerte 9, Santos 8, Olivares 4, Eguilos 4, Rogado 4, Grimaldo 2, Bragais 0, Koga 0.

Iloilo 59 - Tamsi 16, Publico 10, Escoto 8, Pedrosa 6, Mahari 6, Jeruta 5, Prado 4, Parker 2, Racho 2, Li 0, Arambulo 0, Gumaru 0, Rodriguez 0.

Quarterscores: 17-13, 34-22, 50- 43, 65-59.